Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa

Seven Keys To Emotional Wholeness

ARAW 6 NG 7

Susi 6: Itigil ang Pag-iisip sa mga Nakaraang Kabiguan

Tagumpay ang kalooban ng Diyos para sa buhay ng mananampalataya. Ngunit paminsan maaaring masumpungan natin ang ating sariling paulit-ulit na nahuhulog sa parehong mga kasalanan. Bilang resulta, ang buhay natin ay nakakaitaan ng mga napakong pangakong tigilan ang maling gawain. Sinasabi natin sa Panginoon na nais nating gawin ang tama, ngunit madalas ay humihina ang ating paghahangad nito kapag ang kabanalan ay hindi na kombinyente, kasiya-siya, o mapagkakakitaan. Maraming beses, ang mga mananampalataya ay nagagalit sa Diyos dahil sa pagkakait ng tagumpay, ngunit ang kasalanan ay palaging sa ating pagpipili—hindi sa Panginoon. 

Kapag tunay na pagsisisihan natin ang ating mga kasalanan, hihingi sa Panginoon ng kapatawaran Niya, at pagtitiwalaan ang buhay na Cristo na bigyan tayo ng kapangyarihan, tayo ay lumilikha ng isang malakas na puwersa laban kay Satanas at sa tukso. Mapagtatagumpayan natin ang ating mga kabiguan kapag naaalala nating si Jesu-Cristo ang pinagmumulan ng ating buhay, at tinitiyak sa atin ng Diyos na mapapasaatin ang tagumpay kapag sumandal tayo sa Kanya. 

Bahagi ng pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos at pamumuhay nang matagumpay ay ang pagpapatawad din sa iyong sarili. Sa sandaling pinatawad ka ng Diyos, hindi na sa'yo ang mga nakaraang kasalanan, kabiguan, o kahinaan mo. Ikaw ay isa nang bagong nilalang kay Cristo Jesus (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Sa bawat pagkakataong iniisip-isip mo ang mga nakaraang kabiguan mo, isinasara mo ang iyong puso at isipan sa mga pagpapalang inilalaan sa iyo ng Diyos. Isipin na lang ang maraming paraang tinulungan ka at pinagpala ng Ama sa buhay mo. Anumang oras na masumpungan ang sariling pinagninilayan ang mga nakaraang kabiguan mo, paalalahanan ang iyong sarili na iniligtas ka ng Diyos mula sa kasalanan. Pagkatapos, ibaling ang iyong isip sa mga positibong bagay na ginawa Niya para sa iyo, sa iyo, at sa pamamagitan mo. Simulang purihin Siya para sa Kanyang kabutihan, hindi na iniisip ang kasalanan na gumapos sa iyo. 

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Seven Keys To Emotional Wholeness

Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.intouch.org/reading-plans