Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa
Susi 4: Itigil ang Pakikipagpalitan sa Diyos
Baka iniisip mo na kung magsisikap ka lang at gagawa ng sapat na kabutihan sa iyong buhay, aaprubahan ka ng Diyos. Kung gayon nga, sinusubukan mong ipagpalit ang mabubuting gawa para sa pagtanggap ng Ama. Ang totoo nito, tinatanggap ka ng Diyos sa kung ano ka, ngunit nahihirapan kang tanggapin ang pag-ibig Niya.
Maaaring nahihirapan kang tanggapin ang habag ng Diyos dahil hindi mo pa ganap na natanggap ang pagmamahal Niya. O baka sanay na sanay ka na sa kalakarang give-and-take at buy-and-sell ng ating kultura na inaakala mong kaya mong makitungo sa Diyos sa parehong paraan: Gawin mo ito para sa akin, at gagawin ko ito para sa Iyo. Ang Diyos ay hindi kumikilos ayon sa prinsipyong iyan ng tao.
Ang prinsipyo Niya ay ang ganap na pagtanggap sa iyo kapag humingi ka ng kapatawaran Niya at ginawa ang kalooban Niya. Kung may nais Siyang baguhin sa iyong buhay, ang Kanyang pagtutuwid ay matiyaga at mabait (hindi kailanman higit sa kakayanin mong tiisin), at ang pag-ibig Niya ay hindi nagbabago (hindi ipinagkakait o inaalis). Hindi mo kakayaning makipagpalitan upang maiwasan ang kalooban ng Diyos, gaano mo mang subukan.
Ano ang dapat mong pamamaraan sa halip na pakikipagpalitan? Natutuwa akong nagtanong ka!
Magtiwala sa Diyos.
Hingin sa Kanya ang ninanais mo, at pagkatapos ay magtiwala sa Kanya na sasagutin ang panalangin mo ayon sa karunungan Niya at hindi nauubos na probisyon. “Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan ... Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan” (Mateo 6:31-33).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.
More