Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa
Susi 3: Kamtan ang Pagpapagaling ng Diyos para sa Iyong mga Pagkukulang
Lahat ng tao ay may isang bagay tungkol sa kanilang sarili na hindi nila gusto. Ang bawat isa sa atin ay may inklinasyong mas tumuon sa ating mga kapintasan at mga punto ng kahinaan kaysa ating mga kalakasan. Iyan lang ang likas ng tao. Pero may mga bagay sa buhay na hindi na mababago. Halimbawa, hindi mo mababago ang pamilya kung saan ka ipinanganak, at hindi mo rin mababago ang iyong lahi o tangkad. Ang ilang pisikal na kahinaan at/o kapansanan ay hindi mababago. Ngunit kapag kaharap mo ang mga bagay na hindi mababago tungkol sa iyo na dahilang ikaw ay kahanga-hanga at katangi-tangi, karunungang ituturing kung tanggapin mo na sa walang hanggang karunungan ng Diyos, ito talaga ang paraang nilikha ka Niya.
Ang ilang bagay sa buhay ay hindi mababago dahil sa mundong ginagalawan mo. Halimbawa, maaaring hindi mo mababago ang katotohanan na ang mga magulang mo ay diborsiyado o na ang mga anak mo ay nalalagay sa mga mapanganib na sitwasyon o mapanirang pag-uugali. Ngunit maaari kang manalangin sa Panginoon na maghatid ng kagalingan sa iyo at sa mga mahal mo sa buhay.
Gayunpaman, may mga aspeto mo, sa personalidad mo, at sa mga emosyon mo na maaaring baguhin. Halimbawa, maaari mong isipin na likas kang maiinggitin o madaling magalit. Sinisiguro ko sa iyo, ang inggit at silakbo ng galit ay hindi likas na mga katangian. Maaari mong hilingin sa Panginoon na pagalingin ka sa pagiging maiinggitin at magagalitin mo at tulungan kang magtiwala sa Kanya at sa iba.
Kaya paano ka gagaling sa mga emosyon mo? Una, tukuyin mo ang katangian sa iyong pagkatao na alam mong hindi nakalulugod sa Panginoon at hilingin sa Kanyang patawarin ka sa pagpapabaya mong lumala ang katangiang ito. Pangalawa, hilingin sa Kanyang pagalingin ka sa inklinasyong ito. Pangatlo, payagan Siyang gawin ang anumang kailangan Niyang gawin sa buhay mo upang ikaw ay maging buo. At panghuli, manampalataya na ang Diyos ay kumikilos sa buhay mo at na gagawin ka Niyang buo sa Kanyang oras at ayon sa Kanyang mga pamamaraan.
Ang Diyos ay maawain. Siya ay nagpapatawad, Siya ay nagpapagaling, at Siya ay nangangakong papasukan ang anumang bahagi ng buhay mo na iyong ibubukas sa Kanya. “'Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.” (1 Mga Taga-Tesalonica 5:23-24).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.
More