Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa

Seven Keys To Emotional Wholeness

ARAW 5 NG 7

Susi 5: Ibahagi ang Iyong Sarili sa Iba

Ang sobrang panunuri sa iyong sarili at kung paanong nauugnay ito sa iyong mga problema at kahinaan ay maaaring magdulot sa iyo ng panloob na pananakit. Kung ika'y nakaranas na ng buhok o kukong paloob tumubo, alam mo kung paano maaaring magsanhi ng sakit ang isang maliit na elementong paloob ang direksyon sa pisikal mong katawan. Ang parehong prinsipyo ay mailalakip sa espirituwal at emosyonal mong buhay. Maaari kang bumaling paloob at sa pagdaan ng panahon ay pinsalain nang labis ang sarili mo, sa ngalan ng pagsisikap na kilalanin ang iyong sarili o ayusin ang mga problema mo. 

Ang pinakamahusay na lunas para sa maraming emosyonal na paghihirap ay ang bumaling palabas at simulang magbigay sa iba. Maaari mong sabihin, "Ngunit wala akong anumang maibibigay." Bawattao ay may maibibigay, kahit na ito ay isang ngiti lang, isang mapagmalasakit na salita, o isang tapik sa balikat sa oras ng pangangailangan. Paminsan ang presensya mo lang ay maaaring maging regalo sa isang tao, lalo na sa mga nalulungkot, nagdadalamhati, o dumaranas ng matagal nang sakit. Ang pinakamasasayang taong kilala ko ay ang mga taong bukas ang puso at bukas-palad na nagbibigay sa iba. Ang gayong mga indibiduwal ay lubos na panatag sa pag-ibig ng Diyos. Magbigay nang walang inaasahang kapalit. Makikita ng Diyos ang iyong puso at ang iyong ginagawa ... at gagantimpalaan ka Niya nang naaayon. Pagtiwalaan Siyang pangalagaan ka.

Sa pagbibigay nang sagana at bukas-palad, binubuksan mo ang iyong sarili. Ang bukas na saloobing ito sa harap ng Diyos at ng ibang tao ay mahalaga sa emosyonal na kalusugan. Tanging sa pagbubukas ng iyong sarili mong matututunang magtiwala, at ang kakayahang magtiwala ay mahalaga sa iyong kakayahang tumanggap ng kapatawaran at pagpapagaling ng Diyos, at sa paniniwalang ibibigay ng Diyos ang lahat ng iyong mga pangangailangan.

“Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. ” (Mateo 10:8). 

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Seven Keys To Emotional Wholeness

Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.intouch.org/reading-plans