Pitong Susi sa Emosyonal na KabuuanHalimbawa
Susi 1: Ibigay ang Iyong Puso kay Cristo
Ang espirituwal na pagtubos ang unang susi sa pagbuo ng positibong pananaw sa sarili. Maaaring sabihin ng mga taong hindi nakakakilala kay Cristo na itinuturing nilang napakataas ang kanilang sarili, ngunit hindi nila daratnan ang konklusyong iyan kung magpapakatotoo sila. Karamihang hindi mananampalatayang nagsasabing sila ay sapat na sa sarili at hindi nangangailangan kay Cristo ay mga miserableng tao sa oras ng krisis. Para silang mga magagandang damong ligaw na namumulaklak na walang malalakas na ugat. Sarili lamang ang kanilang inaasahan para sa lakas, enerhiya, sigla, at pagiging malikhain. Sa kalaunan, hindi rin nila kakayaning magpatuloy sa kanilang sariling lakas. Wala sa kanila ang Banal na Espiritu para patatagin sila kay Cristo sa paraang nagbibigay-kaaliwan at nakabatay sa katotohanan, kahit pa sa panahon ng pagtutuwid.
Ang pagkakaroon ng ugnayan kay Jesu-Cristo ang lumulutas sa maraming isyung pumipinsala sa emosyonal na kabuuan:
· Pakiramdam na may kasalanan ka. Nalilikha ang pakiramdam na may kasalanan ka kapag mayroon kang hindi napatawad na kasalanan. Kapag humingi ka ng tawad sa Diyos, pinapatawad ka. Ang pagkakasala ay nahuhugasan (Mga Taga-Roma 8:1).
· Pakiramdam na hindi ka mahal. Kapag bumaling ka kay Cristo, dapat mong tanggapin na mahal ka ng Diyos at ninanais na magkaroon ng walang hanggang relasyon sa iyo (Mga Taga-Roma 8:38-39).
· Pagkakaroon ng espiritu ng paghihiganti laban sa iba. Kapag tinanggap mo na ang libreng kaloob ng Diyos na kaligtasan, dapat mong kilalanin na gusto rin ng Diyos na magpatawad ka sa iba. Kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo, nais Niyang gawin para sa lahat ng tao, anuman ang kanilang nakaraan (Mga Taga-Colosas 3:13).
· Pagsisikap na makamit ang pabor ng Diyos. Ang kaloob na kaligtasan ng Diyos sa iyo ay libre. Hindi mo ito mapagtatrabahuan, mabibili, o makakamit sa pamamagitan ng mabubuting gawa. Hindi ka karapat-dapat nito. Kapag ikaw ay ipinanganak nang muli sa espirituwal, dapat mong tanggapin na ang anumang pabor na mayroon ka sa Diyos ay batay sa ginawa ni Cristo (Mga Taga-Efeso 2:8-9).
Kung gusto mong maging buo sa iyong mga emosyon ngayon, ibigay ang iyong buhay kay Cristo. Oras na tinanggap mo si Cristo Jesus bilang iyong personal na Tagapagligtas, dapat mo Siyang sundin bilang iyong Panginoon. Ang araw-araw na pagsunod kay Cristo ay kinalalakipan ng pagtatapat ng mga kasalanan, ang pang-araw-araw na paglilinis ng iyong espiritu na kasinghalaga sa iyong espirituwal na kalusugan ng pang-araw-araw na pagpapaligo sa iyong pisikal na kalusugan. Humingi ka muna ng kapatawaran sa Diyos para sa iyong makasalanang likas at pagkatapos ay para sa mga kasalanang nagawa mo habang sinusunod mo si Cristo.
Tandaan, walang sinumang may kakayahang sumunod kay Cristo nang perpekto. Ang lahat ay maaaring mahulog sa parehong sinasadya at inosenteng mga pagkakamali—ang tinatawag ng ilang mga kasalanan ng paggawa at kasalanan ng hindi paggawa. Para sa mga kasalanang ito ka humihingi ng patuloy na kapatawaran. At kapag ginawa mo ito, ang iyong mapagmahal na Ama sa langit ay nangangako na ipapaabot ang Kanyang kagandahang-loob at habag sa iyo (Mga Taga-Efeso 1:7).
Tungkol sa Gabay na ito
Hindi bababa sa pitong pangunahing aspeto ng kabuuan ang kasangkot sa paghahanap ng pinakamahusay sa Diyos para sa iyong emosyonal na buhay. Hindi mo kailangang gawin ang mga ito sa pagkakasunud-sunod. Samahan si Dr. Charles Stanley habang tinutulungan ka niyang bumuo ng mga pangunahing gawi sa iyong buhay na tutulong sa iyong maging buo sa iyong espiritu at damdamin. Tumuklas ng higit pang mga plano sa pagbabasa tulad nito sa intouch.org/plans.
More