Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 3 NG 30

Nililimitahan natin ang ating mga sarili at ang ating mga konsepto ng Diyos sa pagbabalewala sa bahagi ng Likas ng Diyos na pinakamahusay na sinisimbulo ng pagkababae, at tiyak na kinakatawan ng Tagapagtanggol ang bahaging ito ng Likas ng Diyos. Ang Tagapagtanggol ang nagpapalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso. Ang Tagapagtanggol ang nagbabautismo sa atin na maging kaisa ni Jesus, sa kahanga-hangang pananalita ng Banal na Kasulatan, hanggang sa tayo'y panahanan ng mahiwagang pakikipagkaisa sa Diyos. Ang Tagapagtanggol ang nagpapasibol ng bungang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Ang paggabay na naaayon sa Kanyang kagustuhan ay umaakay sa pamamagitan pinagpalang disiplina tungo sa pagkaunawa ng Diyos na higit sa kaalaman ng tao.

O Panginoon, tanggalin po Ninyo ang pagkaalipin sa ganitong pag-iisip, at bigyan kami ng kapayapaan, kadalisayan at kapangyarihan. Punuin po Ninyo ako sa araw na ito ng Inyong kabutihan at habag at kagandahang-loob.

Mga Tanong sa Pagninilay: Bakit imposible na magkaroon ng kapayapaan sa Diyos kung mayroon tayong salungatan sa kabilang kasarian? Bakit kailangan sa kapayaan ang kabutihan at pati din ng kapangyarihan, kadalisayan at habag?

Ang mga siping ginamit ay mula sa Christian Discipline at Knocking at God's Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org