Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Kung minsan ay natatakot ang mga bata sa dilim. Pumapasok ang takot sa kanilang mga puso at isip at labis silang kinakabahan; tapos maririnig nila ang boses ng kanilang ina o ama, at lahat ay magiging mahinahon at makakatulog na sila. Ganoon din sa ating espirituwal na karanasan. May katatakutan na sasalubong sa atin sa daan at ang mga puso natin ay sinusunggaban ng labis na pangamba; tapos maririnig nating tinatawag ang ating pangalan, at sinasabi ni Jesus ang, “Huwag kayong matakot, Ako ito” at ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang hahawak sa ating mga puso.
Hindi maaaring hindi mabago ang isang taong nakarinig ng pangangaral patungkol kay Cristo. Maaari niyang sabihing hindi niya ito pinansin; maaaring tila nalimutan na niya ang lahat ng tungkol dito, ngunit hindi na siya ang dati, at sa anumang sandali ay maaaring sumulpot ang mga katotohanang narinig sa kanyang kamalayan na sisira sa kanyang kapayapaan at kaligayahan.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang kinatatakutan ko? Kailan ako mas malamang na matakot? Anong mga salita ni Jesus ang nagbibigay ng pangamba sa akin? Anong mga salita ni Jesus ang pumapawi sa takot ko?
Mga siping ginamit ay mula sa His Lord and Run Today’s Race, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org