Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Ang diwa ng kapayapaan na may kinalaman sa personalidad ay yaong ang bawat kapangyarihan ay ganap sa paggawa hangga't ito ay gumagalaw lamang. Ito ang ibig sabihin ni Jesus noong sabihin Niya ang "Ang Aking kapayapaan." Huwag na huwag isipin na ang kapayapaan ay may kinalaman sa pagiging manhid o walang ginagawa. Ang kalusugan ay pisikal na kapayapaan, ngunit ang kalusugan ay hindi ang kawalan ng paggawa; ang kalusugan ay ang kaganapan ng pisikal na paggawa. Ang kabutihan ay moral na kapayapaan, ngunit ang kabutihan ay hindi kawalang-kamalayan; ang kabutihan ay kaganapan ng moral na paggawa. Ang kabanalan ay espirituwal na kapayapaan, ngunit ang kabanalan ay hindi katahimikan; ang kabanalan ay ang pinakamatinding espirituwal na paggawa.
Ang taimtim na pagkilala sa Diyos ay magbubunga sa iyo ng kapayapaang higit sa mailalarawan ng salita na hindi mo na magagawang maging makasarili.
Mga Tanong sa Pagninilay: Sa anong mga paraan nagbibigay ng huwad na kapayapaan ang kawalan ng ginagawa? Bakit kinakailangan ng paggawa upang magkaroon ng kapayapaan? Bakit hindi maaaring magsama ang kapayapaan at pagiging makasarili?
Mga siping ginamit ay mula sa Bringing Sons into Glory and Not Knowing Where, © Discovery House Publisher

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org