Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 8 NG 30

Madaling mangaral, talagang madaling sabihin sa ibang tao kung ano ang gagawin; pero ibang usapan kung ang mensahe ng Diyos ay bumalik sa iyo - "Ipinapangaral mo sa mga tao na dapat silang mapuspos ng kapayapaan at kagalakan, pero kumusta ka naman? Napupuspos ka ba ng kapayapaan at kagalakan?" Ang tapat na saksi ay isang ipinagliliwanag ang kanyang ilaw sa mga gawa na nagpapakita ng likas ni Jesus; isang namumuhay sa katotohanan at nangangaral din nito.

Ang bakas ng pamumuhay sa Diyos na may kagalakan ay sa kapayapaan na walang pagnanais na mapapurihan. Kapag ang isang tao ay nagbibigay ng mensahe na alam niyang mensahe ng Diyos, ang patunay sa katuparan ng layuning iyon ay dagling naibibigay, nananahan ang kapayapaan ng Diyos, at balewala sa taong ito ang papuri o paninisi ng sinuman.

Mga Tanong sa Pagninilay: Anong katotohanan ang mas naipangangaral ko kaysa naisasabuhay? Mayroon bang hindi nalulutas na salungatan sa pagitan ko at ng sinuman na tila tumatabing sa liwanag ni Cristo sa akin? Anong pagmamalaki ang nakakapigil sa akin na makipagkasundo?

Ang mga siping ginamit ay mula sa The Love of God, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org