Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 11 NG 30

Ang pagparito ni Jesu-Cristo ay hindi isang mapayapang bagay, ito ay isang paggambala, isang pagdaragsang hindi mapigilan. Handa ba akong isilang sa dakong kinalalagyan ni Jesus? Kung gayon, dapat akong maging handa sa mga kaguluhan sa kaharian na aking kinalalagyan. Ang kapangyarihan na pumagitan sa Diyos at tao ay kailangang takluban, at ang pagpasok ni Jesu-Cristo ay nangangahulugan ng ganap na kaguluhan patungkol sa aking pamamaraan ng pagturing sa mga bagay, isang pagtataob ng lahat. Ang dating mga bagay at ang dating kapayapaan ay dapat lumisan, at hindi natin maaaring matamo ang kapayapaan sa dating kapatagan.

Kapag pinaghaharian ni Satanas ang mga puso ng mga likas na taong nasa ilalim ng inspirasyon ng diablo, hindi sila nababagabag, sila ay payapa, sanay na sa malinis na kamunduhan (cf. Mga Awit 73), at bago mapagharian ng Diyos ang kaharian ng isang tao dapat muna Niyang buwagin ang bulaang paghaharing ito.

Mga Tanong sa Pagninilay: Anong kaguluhan ang kailangan kong pagdaanan upang maabot ang kapayapaan? Anong paggambala ang kinakailangan upang maitaob ang dating mga bagay? Anong bulaang paghahari ang dapat mabuwag?

Mga siping ginamit ay mula sa Servant as His Lord, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org