Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 14 NG 30

Dakilang bagay ang maipasuri ang ating espirituwal na paningin sa Makalangit na Optiko, na matunghayan kung paano Niya iwinawasto at isinasaayos ang ating paningin. May isang hindi mapasusubaliang patunay na ipinangako sa atin si Jesus, at iyan ang kaloob na Kanyang kapayapaan. Gaano man kakumplikado ang sitwasyon, isang sandaling pakikipag-ugnay kay Jesus at mawawala ang kaguluhan, mawawala ang pagkasindak, ang lahat ng mababaw na kahungkagan ay mawawala, at ang Kanyang kapayapaan ang hahalili, ganap na katiwasayan, dahil sa sinasabi Niya: "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan..."

O, ang lubos na kapayapaan at kagalakan at kasiyahan kapag tayo ay nakakatiyak na walang "makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon."

Mga Tanong sa Pagninilay: Paano sinuri at iwinasto ng Diyos ang aking espirituwal na paningin? Ano ang nakikita ko nang mas malinaw ngayon? Paano tinatanggal ng kaliwanagan ang kaguluhan at takot?

Mga siping ginamit ay mula sa So Send I You and The Love of God, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org