Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Dalawampung siglo na ang nakalipas mula nang si Jesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan, ay dumating at ipinahayag ng mga anghel ang kapayapaan sa lupa. Ngunit nasaan ang kapayapaan? Hindi sinasabi ng Bagong Tipan na nagpropesiya ang mga anghel ng kapayapaan: ipinahayag nila ang kapayapaan-kapayapaan sa mga taong nagbibigay ng lugod sa Diyos. Si Jesu-Cristo ay dumating upang ipakita na ang Diyos ay kasama ng tao, at na sa pamamagitan Niya ang sinuman ay maaaring gawin na anak ng Diyos ayon sa halimbawa ni Jesu-Cristo. Ito ang pahayag ng Cristiano.
Ang mga nasa Daan ng Panginoon ay may malinaw na pagkakahawig kay Jesus, ang Kanyang kapayapaan ay bakas na bakas sa kanila. Ang liwanag ng bukang-liwayway ay nasa kanilang mga mukha, at ang kagalakan ng walang hanggang buhay ay nasa kanilang mga puso. Saanman sila pumunta, ang mga tao ay nalulugod o napapagaling, o natatauhan sa kanilang pangangailangan.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ang aking presensya ba ay may bakas ng kapayapaan ni Cristo? Sa anu-anong paraan ako nakikilahok sa kapayapaan na ipinahayag ni Cristo? Sa anu-anong paraan ako humahadlang na ito ay mangyari?
Mga siping ginamit ay mula sa The Place of Help, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org