Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 21 NG 30

Matapos maipanganak muli, ang isang tao ay nakakaranas ng kapayapaan, ngunit ito ay kapayapaan na pinananatili sa bingit ng digmaan. Ang maling inklinasyon ay hindi na umaalsa pa, ngunit naroon, at alam ito ng tao. Namamalayan niya ang nagpapasalin-saling nararanasan, minsan siya ay galak na galak, minsan ay nalulumbay; walang katatagan, walang tunay na espirituwal na tagumpay. Ang tanggapin na ito na ang karanasan ng ganap na kaligtasan ay ang pagpapatotoo na nagkulang ang Diyos sa ginawa Niya para sa Pagpapatawad ng ating mga Kasalanan.

Ang maging mananampalataya ni Jesu-Cristo ay ang maunawaan na ang sinabi ni Jesus kay Tomas ay totoo: "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay." Si Jesus ay hindi ang landas na iniiwan natin sa paglalakbay, kundi ang mismong pinananatilihan nating Daan. Sa pagsampalataya, pumapasok tayo sa kapahingahan ng kapayapaan, kabanalan, at buhay na walang hanggan dahil nananatili tayo sa Kanya.

Mga Tanong sa Pagninilay: Anong uri ng kapayapaan ang nakukuha natin sa pamamagitan ng puwersa? Ano ang kinakailangan upang mapanatili ang gaanong uri ng kapayapaan? Bakit kailangan ang pagsang-ayon sa Diyos para sa tunay na kapayapaan?

Mga siping ginamit ay mula sa Biblical Ethics and Approved Unto God © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org