Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Hindi nakikita ng karamihan kung ano ang mali, at iniisip na ang mga pananalita ng isang propetang tulad ni Jeremias ay kamangmangan. Hindi natin kakayaning harapin ang mga bagay na mali, nang nakahiwalay tayo sa Diyos, na hindi tayo mababaliw. Kung ang kasalanan ay maliit na bagay lamang at kaya nating ipangaral ang pagpapagaling ng mga tao at paghahatid ng kapayapaan sa ibang paraan, ang trahedya ng Krus ay isang malaking pagkakamali. Ang buhay na natatago sa Diyos, kasama ni Cristo ay nangangahulugan na kung minsan ay makikita natin kung ano ang mga lalaki at babae na walang Diyos, mula sa pananaw ng Diyos, at nangangahulugan din ito na sisikapin nating intindihin ang kanilang kalagayan at ipapanalangin sila, samantalang kinahahabagan naman nila tayo.
Iligtas Mo ako sa lihim na kasalanan. Ilayo Mo ang Iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan. Nawa'y makita sa akin ang Iyong kapayapaan at kadalisayan!
Mga Tanong sa Pagninilay: Bakit kailangang maliwanag sa atin kung ano ang mali bago tayo maituwid? Bakit imposible na magkaroon ng kapayapaan kapag mayroong kasalanan? Bakit kailangan ang kadalisayan para sa kapayapaan?
Mga siping ginamit ay mula sa Notes on Jeremiah and Knocking at God’s Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org