Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 26 NG 30

Nangangaral tayo sa iba na animo'y batid nilang sila'y mga makasalanang magsisimatayan, ngunit hindi nila batid ito. Masaya sila sa buhay, at wala silang kabatiran ng lahat ng pinagsasabi natin tungkol sa pangangailangan nilang ipanganak na muli; dahil ang ilan ay nagpapakalunod sa makamundong kalayawan, hindi nangangahulugan na ang lahat ay ganyan. Walang kaakit-akit sa Mabuting Balita sa likas na tao; ang maaakit lamang ng Mabuting Balita ay ang taong nakakakilala na siya ay makasalanan.

Malibang may pagkilala kay Jesu-Cristo, at malibang sila ay lubos na mabagabag dahil sa pagkilala ng kanilang kasalanan, may inklinasyon ang mga tao na manatiling lubos na masaya at mapayapa. Ang pagkilala ng kasalanan ay bunga ng pagpasok ng Espiritu Santo dahil ang budhi ay agad-agad na itinutuon sa mga ipinag-uutos ng Diyos.

Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang aking mensahe ng kapayapaan para sa mga hindi nakakabatid na sila ay malayo sa Diyos? Bakit hindi kaakit-akit ang Mabuting Balita sa mga masayang-masaya sa buhay nila? Paanong nangyayari na ang kabutihan ng Diyos ang naghahadlang na makilala ko ang aking pangangailangan sa Kanya?

Mga siping ginamit ay mula sa Biblical Ethics, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 25Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org