Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 28 NG 30

Ang kapayapaang kaloob ni Cristo ay singkahulugan ng Kanyang likas, at ang pagsasagawa ng kapayapaan na iyon ay ipinakita ng buhay dito sa lupa ng ating Panginoon. Ang Diyos ng kapayapaan ang ganap na nagpapabanal. Ang kapayapaang kaloob ni Cristo sa loob; ang kampo ng Diyos sa labas, at kung gayon ay tungkulin kong siguruhin na mapahihintulutan ang kapayapaan ng Diyos na mamahala ng lahat ng aking gagawin, iyan ang aking sagutin—"Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo."

Isang bagay na kailangang malunasan sa atin ng Diyos ng kapayapaan ay ang mapagmaktol nating pamimilit na gawin ang mga bagay para sa ating mga sarili. Nadala ka na ba ng Diyos sa katiwasayan, o mayroon pang pagtutol at pakikipagsalungatan? May pinagmamatigasan ka pa bang sariling paniniwala?—nakikipagsalungatan pa tungkol sa mga partikular na bagay na ginugusto mo?

Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang ibig sabihin ng pahintulutang paghariin sa aking puso ang kapayapaan? Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pananatiling kalmado at pamumuhay sa kapayapaan? Ano ang pagkakaiba ng katahimikan at kapayapaan?

Mga siping gianamit ay mula sa The Highest Good at If You Will Ask, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org