Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 27 NG 30

Si Satanas ay hindi kailanman inilalarawan sa Biblia na may ginawang mali; siya mismo ay isang maling nilalang. Ang tao ang may pananagutan sa maling ginagawa niya, at ginagawa niya ito dahil sa maling inklinasyon na nasa kanya. Ang moral na pagkatuso na ating kalikasan ang sumisisi kay Satanas samantalang alam na alam natin na ang dapat sisihin ay ang ating sarili; ang totoong dahilan para sa kasalanan ay nasa maling inklinasyon na nasa atin.

Mas malamang sa hindi na ikinalulungkot ni Satanas nang tulad ng Espiritu Santo kapag ang tao ay nahuhulog sa panlabas na kasalanan, ngunit sa ibang kadahilanan. Kapag nahulog sa panlabas na kasalanan ang tao at nagulo ang kanilang buhay, mas malamang na maghahanap sila ng ibang Tagapanguna, Tagapagligtas, Tagapagpalaya mula sa Pagkaalipin; hangga't mapapanatili ni Satanas ang mga tao sa kapayapaan at pagkakaisa at pagkakasundo nang walang Diyos, gagawin niya ito (tingnan ang Lucas 11:21-22).

Mga Tanong sa Pagninilay: Sino ang sinisisi ko para sa aking kasalanan? Ano ang pakinabang ni Satanas kung ako ay mamuhay nang matuwid at moral? Ano ang mawawala sa kanya kung ako ay magkasala nang malubha at mapagtanto ang aking pangangailangan ng kapayapaan na hindi bunga ng sarili kong pagsisikap?

Mga siping ginamit ay mula sa Biblical Psychology, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 26Araw 28

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org