Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 29 NG 30

Kapag pinapasimulan ng Diyos ang Kanyang gawain sa atin, hindi Niya gaanong binabago ang panlabas na buhay natin, ngunit inililipat Niya ang sentro ng ating pagtitiwala. Sa halip na umasa sa sarili o sa ibang tao, umaasa tayo sa Diyos, at nananatili sa lubos na kapayapaan. Alam nating lahat na napakalaki ng epekto ng mayroong taong nagtitiwala sa atin na siya ring napagtitiwalaan natin. Hindi posibleng tayo ay malulupig. Ang Dakilang Buhay ay hindi ang magtiwala upang may makakamit tayo, kundi ang magtiwala kahit mahirap ang pinagdadaanan o may kakayahang gumawa para sa ating sarili dahil mas pinipili nating itaya ang lahat sa dangal ni Jesu-Cristo.

Nawa'y lubusan tayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan upang hindi na tayo maging sakiting mga kaluluwa na humahadlang sa Kanyang mga layunin, kundi ganap sa pamamagitan ng pagtitiis.

Mga Tanong sa Pagninilay: Paano nahahadlangan ng aking katayuan kay Cristo na ako ay malupig ng hidwaan? Paano pinapahintulutan ng kapayapaan ng Diyos na ako ay gawing ganap sa pamamagitan ng pagtitiis?

Mga siping ginamit ay mula sa Approved Unto God and God’s Workmanship, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org