Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Kapag tayo ay ipinanganak muli mula sa itaas, muling binuhay ng Diyos, magagawa natin ang tingnan ang mga bulaklak sa parang dahil hindi lamang natin taglay ang kapayapaan ng Diyos, kundi ang mismong kapayapaang pumuspos Kay Jesu-Cristo. Tayo ay nakaupo sa kalangitan kay Cristo Jesus. Ang dating pamamaraan ng paggawa, ang dating kaligaligan at pagkagalit ay wala na, at tayo ay bagong nilalang na kay Cristo Jesus. Sa bagong nilalang na iyan hayag ang mismong kapayapaan na nahayag kay Jesu-Cristo.
Kapag tayo ay muling binuhay ng Diyos sa kalangitan, ibinabahagi Niya sa atin ang mismong kadalisayan ni Jesu-Cristo. Iyan ang ibig sabihin ng buhay na pinaging-banal—ang Kanyang kapayapaang hindi mabagabag, ang hindi matinag, walang pagkasaid na kapangyarihan ng Kanyang lakas, at ang hindi matarok, mala-kristal na kadalisayan ng Kanyang kabanalan.
Mga Tanong sa Pagninilay: Ako ba ay naliligalig at nagagalit sa bawat kaabalahan sa aking buhay o isinasaalang-alang alang ko ba ang posibilidad na ito ay inilagay diyan upang ako ay magdahan-dahan upang hindi ko makalingatan ang isang mahalagang bagay?
Mga siping ginamit ay mula sa Our Brilliant Heritage © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org