Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 20 NG 30

Ang maaninag sa akin ang kapayapaan ang pinakadakilang katibayan na ako ay umaayon sa Diyos, sapagkat ako ay malayang ibaling ang aking isipan sa Kanya. Kung hindi ako umaayon sa Diyos hindi ko maibabaling ang aking isip maliban sa sarili ko lamang. Gulong-gulo ka ba ngayon, ginagambala ng malalaking alon na pinahihintulutan ng Diyos? Sa iyong pagsusumakit na lumago sa pananampalataya, hindi mo pa rin ba nasusumpungan ang malalim na kapayapaan o kagalakan o kaginhawahan-lahat ay tigang? Kung gayon ay tumingala ka at tanggapin ang kapanatagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Higit pa sa mga katotohanan ng digmaan at pagdurusa at paghihirap, Siya ay naghahari, mapayapa.

Bago makapaghatid ng kapayapaan ng isip ang Espiritu ng Diyos, kailangan Niya munang tanggalin ang mga basura, at bago Niya magawa ito, kailangang mabigyan Niya tayo ng ideya ng kung anong basura ang naririyan.

Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang sinasabi ng makasariling mga kaisipan ko tungkol sa aking konsepto ng kapayapaan? Anong mga nakakabalisang kaisipan ang kailangan kong tanggalin bago ako magkaroon ng kapayapaan kasama ng Diyos at ng iba?

Mga siping ginamit ay mula sa Christian Discipline and Servant as His Lord, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org