Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Pinag-uusapan natin ang tungkol sa kapayapaan ni Jesus, ngunit napagtanto na ba natin kung ano ang maihahalintulad sa kapayapaang ito? Basahin ang kuwento tungkol sa Kanyang buhay, ang tatlumpung taong tahimik na pagpapasakop sa Nazaret, ang tatlong taon ng paglilingkod, ang paninirang-puri at pang-aapi, masasamang hangarin at galit na kanyang napagtiisan, ang lahat ng mga bagay na masasabing masahol na karanasan na dapat nating maranasan; ngunit ang Kanyang kapayapaan ay hindi natinag, hindi ito maaaring basagin. Ang kapayapaang iyon na ipapakita ng Diyos sa atin sa mga makalangit na lugar; walang kapayapaang katulad nito, kundi ang kapayapaang iyon. Sa lahat ng buhay, sa pagtatrabaho para sa ating pamumuhay, sa lahat ng mga kondisyon ng katawan, kung saan sinisimulan ng Diyos ang ating mga kalagayan - "Aking kapayapaan" - ang hindi mapigilan, hindi mapipigil na kapayapaan ni Jesus na ibinahagi sa atin sa bawat detalye ng ating buhay.
Ang Iyong haplos ay mayroon pa ring sinaunang kapangyarihan. Hawakan Mo ako, Panginoon, sa pakikisama sa Iyong Sarili hanggang sa ang aking buong buhay ay magliwanag dahil sa iyong kapayapaan at kagalakan.
Mga Tanong sa Pagninilay: Mayroon ba akong uri ng kapayapaan na makakatiis sa mga pag-atake ng paninirang-puri at galit? Ano ang madalas na makakagambala sa aking kapayapaan? Bakit?
Mga siping ginamit ay mula sa Our Brilliant Heritage at Knocking at God's Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org