Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Agad na dumadating ang Espiritu ng Diyos at napapagtanto natin ang ibig sabihin nito - ang lahat ng hindi sa Diyos ay kailangang alisin. Nagugulat ang mga tao at sinasabing, "Hiningi ko ang Espiritu Santo, at inasahang bibigyan Niya ako ng kagalakan at kapayapaan, ngunit hirap na hirap ako magmula noon." Iyan ang tanda ng Kanyang pagdating, ipinagtatabuyan Niya ang mga "namamalit ng salapi," kung baga, ang mga bagay sa simbahan na ginagawa itong isang pook-kalakalan para sa pagpapaunlad sa sarili.
Maging diplomatiko. Maging matalino. Makipag-kompromiso sa matinik na paraan at mapapasailalim mo ang lahat sa iyong kontrol. Sa tulad niyan nababatay ang kapayapaan ng mundo. Tinatawag natin itong "diplomasya." Patuloy na nananampalataya si Jesus sa mga pamamaraan ng Diyos sa kabila ng matitinding mga tukso na tinayang napakatatalino, maliban na lamang sa pagtaya ng Espiritu ng Diyos.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anong pagkagambala and dinudulot ni Jesus sa aking buhay? Ano ang determinado Siyang ipagtabuyan at itapon? Anong kumpiyansa ang inilalagay ko sa diplomasya?
Mga siping ginamit ay mula sa Servant as His Lord, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org