Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 13 NG 30

Ang isang madilim na puso ay isang kahila-hilakbot na bagay, dahil ang isang madilim na puso ay maaaring pumayapa sa tao. Sinasabi niya- "Ang aking puso ay hindi masama, hindi ako nakokonsiyensiya; ang lahat ng mga usapang ito tungkol sa muling kapanganakan at sa pagpupuspos ng Banal na Espiritu ay pawang kahangalan." Nangangailangan ng Mabuting Balita ni Jesus ang likas na puso, ngunit hindi niya ito ninanais, lalabanan ito, at nangangailangan ng pagpapatunay ng Espiritu ng Diyos upang malaman ng mga kalalakihan at kababaihan na kailangan nilang maranasan ang malawakang pagkilos ng kagandahang-loob sa kanilang mga puso.



May mga pagkakataon na ang panloob na kapayapaan ay dala ng kamangmangan; ngunit kapag nagising na tayo sa mga problema ng buhay, na dumaragsa nang higit ngayon kaysa kailanman noon, ang panloob na kapayapaan ay imposibleng matanggap malibang ito ay natanggap mula sa ating Panginoon. Noong ang ating Panginoon ay nagpahayag ng kapayapaan, nakipagkasundo Siya. Natanggap mo na ba ang ipinahayag Niya?



Mga Tanong ng Pagninilay: Anong uri ng kapayapaan ang mayroon ako: ang uri na nanggagaling sa pagtatapat sa kung sino ako at sa pakikipagkasundo sa Diyos o sa pagsasawalang-bahala sa kung sino ako at pamumuhay nang may pagkakaila ng katotohanan?



Ang mga siping ginamit ay mula sa Biblical Psychology at Christian Discipline, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pina...

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya