Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Kapag sumasangguni tayo kay Jesu-Cristo patungkol sa mga buhay ng iba, ang lahat ng kabalisahan ay napapawi sapagkat Siya ay hindi nababalisa, at ang ating tungkulin ay ang manatili sa Kanya. Mapanatag tayo sa Kanyang karunungan at sa kasiguruhan mula sa Kanya na ang lahat ay mapapabuti. "...siya'y nananatiling tapat pa rin sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili” (2 Tim. 2:13). Nananatiling katotohanan ang awit ng mga anghel: "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”
Ang daan tungo sa panloob na kapayapaan ay ang pagtalima sa ikalulugod at paggawa ayon sa kalooban ng Diyos. Ang mga nagnanais na magtagumpay at mapangyari ang lahat ng bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan, ay hindi naglalakbay sa daang ito, at dahil dito ay humahantong sa malupit at mapait na buhay, palaging hindi mapakali o nayayamot, hindi lumalakad sa daan ng kapayapaan na dala ng lubusang pagtalima sa kalooban ng Diyos.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anu-anong mga kabalisahan ang bumabagabag sa aking kapayapaan? Anong mga pagpapahayag ng kapayapaan ang inaasahan ko mula sa iba na ayaw ko namang gawin din? Sa anong mga paraan pa ako dapat tumalima sa ikalulugod ng Diyos?
Ang mga siping ginamit ay mula sa Christian Discipline, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org