Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Gaano kalaking pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig ang umiiral sa atin kapag sinusubukan nating kumbinsihin ang iba? Hindi itinalaga sa atin ang pagkumbinsi sa ibang tao, iyan ay pagpupumilit lamang ng isang buhay na pinaaandar ng katalinuhan at hindi ng espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ang magmumulat sa kanila kung tayo ay nasa relasyon kung saan simple nating ipinahahayag ang Salita ng Diyos. Sinasamantala natin ang Salita ng Diyos upang mailapat ito sa sarili nating ibinuong pananaw; ngunit pagdating sa dakilang kapanatagan at kapayapaan at kapahingahan ng Panginoong Jesus, madali nating masusuri ang ating kalagayan.
Ang pagpanatag kay Yahweh ang kaganapan ng panloob na gawain. Sa karaniwang lohika ng tao ito ay katumbas ng pag-upong nakahalukipkip at pabayaang ang Diyos ang gumawa ng lahat; ang totoong ibig sabihin nito ay ang lubos na mapanatag sa Diyos na malaya tayong gumawa ng karaniwang gawain ng tao nang walang pagkabalisa. Kamangha-mangha ang nagagawa ng Diyos sa mga panahong hindi natin pinagkakaabalahan ang mga pangyayari.
Mga Tanong sa Pagninilay: Gaano ang aking kawalan ng kapayapaan dahil sa pagtatangka kong lumikha ng kapayapaan ayon sa sarili kong kagustuhan imbis na sa kagustuhan ng Diyos? Anong bahagi ng paggawa ng kapayapaan ang sa Diyos at alin ang sa akin?
Mga siping ginamit ay mula sa Thou Wilt Be Perfect, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org