Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa
Pinag-uusapan natin ang "mga pangyayaring hindi natin kayang kontrolin." Walang sinuman sa atin ang may kontrol sa mga pangyayari, ngunit pananagutan natin kung paano natin pangangasiwaan ang ating mga sarili sa gitna ng mga pangyayaring ito. Ang dalawang bangka ay maaaring maglayag sa magkasalungat na direksiyon sa iisang ihip ng hangin, base sa kakayahan ng piloto. Sinasabi ng pilotong natangay ang bangka sa batuhan na hindi niya ito napigilan, papunta roon ang hangin; ang isa naman ay nagdala ng bangka sa daungan sa hangin din na iyon, ngunit alam niyang igiya ang kanyang mga layag kung kaya dinala siya ng hangin sa direksyon na nais niya. Ang kapangyarihan ng kapayapaan ng Diyos ang tutulong sa iyo na umusad sa tamang direksiyon sa gitna ng mga kaguluhan ng ordinaryong buhay.
O Panginoon, sa Iyo ako bumabaling, sa Iyo. Ako ay palaboy na walang matutuluyan hanggang sa hipuin mo ako ng katiwasayan ng Iyong kapayapaan, ang matamis na diwa ng iyong pag-ibig.
Mga Tanong sa Pagninilay: Anong kapangyarihan mayroon ang kapayapaan sa aking buhay? Ninanakawan ko ba ang kapayapaan ng kapangyarihan nito sa pagpupumilit kong isailalim ito sa aking "sariling katalinuhan"? Ano ang maaaring maging mas matiwasay pa kaysa sa pumayapa sa mapagmahal na Diyos?
Ang mga siping ginamit ay mula sa Moral Foundation of Life at Knocking at God's Door, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pinakamataas. Makasumpong ng kaginhawahan sa Diyos at kamtin ang mas malalim na pag-unawa sa kahalagahan ng kapayapaan ng Diyos sa iyong buhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org