Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa

My Utmost For His Highest

ARAW 20 NG 30

Naramdaman Mo Ba ang Sakit na Dinulot ng Panginoon?

Naramdaman mo na ba ang sakit, na dinulot ng Panginoon, sa pinaka-sentro ng iyong pagkatao, sa kaibuturan ng pinaka-maselang bahagi ng iyong buhay? Hinding-hindi ka sasaktan ng diablo sa bahaging iyon, maging ang kasalanan o ang emosyon ng tao.

Walang kayang tumagos sa bahaging iyon ng ating pagkatao kung hindi ang Salita ng Diyos. Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses siyang tinanong ng, “Mahal mo ba ako?” Pero nagising siya sa katotohanan na sa gitna ng kanyang personal na buhay, ay nakatuon siya kay Hesus. At saka niya nakita kung ano ang ibig sabihin ng matiyagang pagtatanong ni Hesus. Wala na ni kaunting pagdududang naiwan sa isip ni Pedro; hindi na siya muling malilinlang. At hindi na kailangan ang nag-aalab na tugon; hindi na kailangan ang dagliang kilos o ng emosyonal na pagpapakita. Pagpapahayag ito sa kanya kung gaano niya kamahal ang Panginoon, at sa kanyang pagkamangha ay simpleng sinabi niya, “Panginoon, alam po Ninyo ang lahat ng bagay . . . .” Nakita ni Pedro kung gaano niya kamahal si Hesus, at hindi na kailangang sabihing, “Tingnan mo ito o iyan bilang patunay ng aking pagmamahal.” Nag-umpisa nang matuklasan ni Pedro sa kanyang sarili kung gaano niya talaga kamahal ang Panginoon. . Natuklasan niyang ang kanyang mga mata ay sobrang nakatuon kay Jesucristo kung kaya wala na siyang nakitang iba sa langit sa itaas o sa lupa sa ibaba. Pero hindi niya ito alam hanggang sa maitanong ang mga pang-usisa, masakit na mga katanungan ng Panginoon. Ang mga tanong ng Panginoon ay parating naghahayag ng totoong ako sa aking sarili.

Ah, ang hiwaga ng matiyagang pag-derecha at kahusayan ni Jesucristo kay Pedro! Ang ating Panginoon ay hindi nagtatanong hanggang hindi dumadating ang perpektong oras. Bihira, ngunit marahil isang beses sa buhay natin, ibabalik Niya tayo sa isang sulok kung saan sasaktan Niya tayo sa Kanyang mga tumatagos na katanungan. Pagkatapos ay mapagtatanto natin na mahal natin Siya nang higit na malalim sa mga salitang kaya nating sabihin.

O Panginoon, pinalaki Mo ako nang ako ay nasa pagkabalisa. O, na ang mga saloobin ng aking puso ay higit pang naging bukal ng mabuting kayamanang hindi nagmamaliw!

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

My Utmost For His Highest

Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org