Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa

My Utmost For His Highest

ARAW 23 NG 30

Siya Ba Talaga Ang Aking Panginoon?

Ang kagalagakan ay nagmumula sa pagkakita ng kumpletong katuparan ng tiyak na layunin na dahilan ng aking pagkalikha at muling kapanganakan, hindi sa matagumpay na paggawa ng bagay na ako mismo ang pumili. Ang kagalakan na naranasan ng ating Panginoon ay galing sa pagsunod sa ipinagagawa ng Ama. At sinabi niya sa atin,, “Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo” (Juan 20:21). Nakatanggap ka na ba ng ministeryo mula sa Panginoon? Kung ganoon, dapat kang maging matapat dito-na ituring mong mahalaga ang iyong buhay para lamang sa layuning magampanan ang ministeryong iyon. Ngayong alam mo na nagawa mo na nag ipinag-utos sa iyo ni Hesus, isipin mo kung gaano nakakatuwang marinig na sabihin Niya sa iyo, “Magaling! Tapat at mabuting lingkod!” (Mateo 25:21). Ang bawat isa sa atin ay kailangang matagpuan ang lugar natin sa buhay, at sa espiritwal makikita natin ito sa pagtanggap sa ministeryo ng Panginoon. Para gawin ito kailangan mayroon tayong malapit na pakikisama kay Hesus at kailangan kilalanin Siya bilang higit sa ating personal na Tagapagligtas. At dapat payag tayong maranasan ang buong epekto ng Mga Gawa 9:16—“Ipapaunawa ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

“Mahal mo ba ako?” Kung ganon, “Pakaininin mo ang aking mga tupa” (Juan 21:17). Hindi Siya nagbibigay ng pagpipilian kung paano natin Siya paglilingkuran; hinihingi Niya ang ating buong katapatan sa Kanyang ipinaguutos, isang katapatan sa kung ano ang ating napagtatanto kung tayo ay nasa pinakamalapit na pakikisama sa Diyos. Ang pagtawag ay para maging tapat sa ministeryong natanggap mo kung ikaw ay nasa totoong pakikisama sa Kanya. Hindi nito ipinahihiwatig na mayroong isang buon serye ng nagkakaibang mga ministeryo na itinakda para sa iyo. Ang ibig sabihin nito ay dapat kang maging sensitibo sa kung ano ang pagtawag sa iyo ng Diyos, at maaring kinakailangan dito ang di pag-alintana sa mga hinihingi ng serbisyo sa ibang lugar.

O Panginoon, nakikiusap ako sa Iyo na panatilihin ang aking lakas at simpeng kagalakan. Panatilihin mo akong may mapagpakumbabang isip sa layunin at disenyo na wala sa akin ang maging mapagmataas na tao.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

My Utmost For His Highest

Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org