Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa
Kabuuang Pagsuko
Ang ating Panginoon ay tumugon sa pahayag ni Pedro sa pagsasabi na ang pagsuko na ito ay “dahil sa akin at sa Magandang Balita“ (10:29). Hindi sa layunin na may makuha ang mga alagad mula rito. Mag-ingat sa pagsuko na may udyok ng mga posibleng personal na benepisyo na magresulta. Halimbawa, "Ibibigay ko ang aking sarili sa Diyos sapagkat nais kong mapalaya mula sa kasalanan, sapagkat nais kong maging banal." Ang mapalaya mula sa kasalanan at pagiging banal ay resulta ng pagiging tama sa harapan ng Diyos, ngunit ang pagsuko na mula sa ganitong uri ng pag-iisip ay tiyak na hindi naaayon sa totoong diwa ng Cristianismo. Ang ating motibo para sa pagsuko ay hindi dapat para sa anumang personal na pakinabang. Tayo ay naging napakamakasarili na pumupunta lamang tayo sa Diyos upang makatanggap mula sa Kanya, at hindi para sa Diyos mismo. Parang sinasabi natin ang, "Hindi, Panginoon, hindi Kita gusto; Gusto ko ang aking sarili. Ngunit nais kong linisin Mo ako at pusposin ng Iyong Espiritu Santo. Gusto kong maitanghal sa Iyong eskaparate upang masabi ko ang, 'Ito ang ginawa ng Diyos para sa akin.'" Ang makamit ang langit, mapalaya mula sa kasalanan, at maging kapaki-pakinabang sa Diyos ay hindi kailanman dapat isaalang-alang sa tunay na pagsuko. Ang tunay na pagsuko ng sarili ay personal at walang-pagsusubaling paglalaan sa sarili kay Jesu-Cristo mismo.
Ano ang lugar ni Jesu-Cristo sa pagturing natin sa ating mga likas na relasyon? Karamihan sa atin ay tatalikod sa Kanya sa katwirang- "Oo, Panginoon, narinig ko ang tawag Mo, ngunit kailangan ako ng aking pamilya at mayroon akong mga sariling interes. Hanggang dito nalang ako" (tingnan ang Lucas 9:57–62). "Gayundin naman," sabi ni Jesus, "hindi (ka) maaaring maging alagad ko" "(tingnan ang Lucas 14:26–33).
Ang tunay na pagsuko ay laging hihigit sa likas na debosyon. Kung tayo ay susuko, isusuko ng Diyos ang Kanyang Sarili upang yakapin ang lahat ng mga nasa paligid natin at tutugon sa kanilang mga pangangailangan, na ibinunga ng ating pagsuko. Mag-ingat na hindi tumigil hangga't sa maabot ang ganap na pagsuko sa Diyos. Karamihan sa atin ay may pananaw lamang ng kung ano ang talagang ibig sabihin nito, ngunit hindi pa kailanman tunay na nakaranas nito.
O Panginoon, pagliwanagin ang aking katalinuhan ng mga turo ng Iyong Espiritu Santo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.
More