Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa

My Utmost For His Highest

ARAW 24 NG 30

Paggawa sa Susunod na Hakbang

Kapag wala kang pangitain mula sa Diyos, walang sigla sa iyong buhay, at walang nagbabantay at nagpapalakas ng loob mo, kakailanganin mo ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos upang gawin ang susunod na hakbang sa iyong debosyon para sa Kanya, sa pagbabasa at sa pag-aaral ng Kanyang Salita, sa iyong buhay may-pamilya, o sa iyong tungkulin sa Kanya. Ang kailangan mo ay higit na biyaya ng Diyos, at dagdag na kaunawaan ng pagkuha mula sa Kanya, upang gawin ang susunod na hakbang, kaysa sa pangangaral ng Ebanghelyo.

Bawat Cristiano ay kinakailangang maranasan ang pinakadiwa ng pagkakatawang-tao sa pamamagitan ng pagdadala nito sa realidad ng totoong buhay at sa pagsasagawa nito gamit ang sariling mga kamay. Nawawalan tayo ng interes at sumusuko kapag wala tayong pangitain, walang nagpapalakas ng loob, at walang nakikitang pagsulong, kundi ang nararanasan ay ang pang-araw-araw na gawain ng buhay. Ang bagay na tunay ngang nagpapatotoo para sa Diyos at sa bayan ng Diyos sa kalaunan ay ang patuloy na pagtitiyaga, kahit na ang gawain ay hindi nakikita ng ibang tao. At ang tanging paraan upang mabuhay ng isang buhay na hindi talunan ay ang mabuhay nang nakatuon ang paningin sa Diyos. Hilingin mo sa Diyos na panatilihing bukas ang mga mata ng iyong espiritu kay Cristo na nabuhay na muli, at magiging imposibleng makapanghina sa iyo ang nakababagot na gawain. Huwag mong hayaan ang sarili mong isipin na ang ilang gawain ay napakababa para sa dignidad mo o kaya naman ay walang halaga para ito ay gawin mo, at paalalahanan mo ang sarili mong maging halimbawa ni Cristo na siyang makikita sa Juan 13:1-17.

O Panginoon, iligtas mo kami sa espiritu ng pagrereklamo, na nakakapinsala, at nakakasakit sa pag-usbong ng espirituwal na pakikipag-ugnayan.

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

My Utmost For His Highest

Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.

More

We would like to thank Discovery House Publishers for providing this plan. For more information, please visit: www.utmost.org