Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)Halimbawa
Ano ang Gusto Mong Gawin ng Panginoon Para sa Iyo?
Mayroon bang isang bagay sa iyong buhay na hindi lamang gumugulo sa iyo, ngunit ginagawa ka ring panggulo sa iba? Kung oo, ito ay palaging isang bagay na hindi mo kayang haraping mag-isa. "'Pinapatigil siya ng mga taong nasa unahan, ngunit lalo pa niyang nilakasan ang pagsigaw, ..." (Lucas 18:39). Maging pursigido sa panggugulo hangga't makaharap ang Panginoon mismo. Huwag diyusin ang karaniwang katalinuhan. Ang maupong kalmado, imbis na manggulo, ay nagsisilbi lamang na maisadiyos ang karaniwang katalinuhan. Kapag tinatanong tayo ni Jesus ng nais nating gawin Niya para sa atin patungkol sa imposibleng problemang kinakaharap natin, tandaan na hindi Siya gumagawa sa mga karaniwang kaparaanan kundi sa mga mapaghimalang kaparaanan.
Tingnan kung paano natin nililimitahan ang Panginoon sa paggunita lamang ng mga pinayagan natin na gawin Niya para sa atin noong nakaraan. Sinasabi natin ang, "Nabigo na ako diyan, at palagi akong mabibigo diyan." Dahil dito, hindi natin hinihingi ang ninanais natin. Bagkus, iniisip natin, "Kalokohan ang hingin sa Diyos na gawin ito. Kung ito ay imposible, ito ang mismo nating dapat hingin. Kung ito ay hindi imposible, hindi ito tunay na panggugulo. At gagawin ng Diyos ang walang pasubaling imposible.
Ang lalaking ito ay nakakita. Ngunit ang pinakaimposibleng maaaring mangyari ay ang ikaw ay lubos na makipag-isa sa Panginoon na totoong wala na ni bakas ng dati mong buhay na nalalabi. Gagawin ito ng Diyos para sa iyo kung hihingin mo sa Kanya. Ngunit kailangan mong dumating sa punto na paniniwalaan mong Siya ay makapangyarihan sa lahat. Masusumpungan natin ang pananampalataya hindi lamang sa paniniwala na gagawin ni Jesus ang sinasabi Niya, ngunit higit pa, sa pagtitiwala kay Jesus mismo. Kung tinitingnan lamang natin ang Kanyang sinasabi, hindi tayo kailanman maniniwala. Kapag nakita na natin si Jesus, ang mga imposibleng bagay na ginagawa Niya ay magiging kasing natural ng paghinga. Ang matinding paghihirap na dinaranas natin ay dulot ng kusang kababawan ng ating sariling puso. Ayaw nating maniwala, ayaw nating bumitaw sa pamamagitan ng pagputol ng lubid na nagpapanatili ng bangka sa pampang—mas gusto nating mag-alala.
Pinupuri Kita dahil kung ano ako ay mula sa Iyo. O, na kaluguran Mo ako nang tulad ng liryo, ng puno, o ng mga maya, na maliwanag na ipinapamuhay ang buhay na ipinagkaloob Mo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa loob ng mahigit na walumpung taon, ang "My Utmost for His Highest" o "Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas" ni Oswald Chambers ay isa sa mga librong pinakamarami nang nakabasa sa mundo ng Cristianismo. Ngayon ay ikinalulugod naming ipalabas ang espesyal na edisyon na itong may tatlumpung debosyonal na pinili mula sa Aking Pinakamataas Para Sa Kanyang Pinakamataas, na idinisenyo upang ipakilala ang isang bagong henerasyon sa walang hanggang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan na itinuro sa pamamagitan ng mga hindi nagmamaliw na salita ni Oswald Chambers. Kasama rin sa mga seleksyon na ito ang personal na panalangin ni Oswald Chambers sa bawat gabay.
More