Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Eliseo: Kuwento ng Isang Katawa-tawang PananampalatayaHalimbawa

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

ARAW 2 NG 13

Ipinakita ng 2 Mga Hari 2:1-18 ang patuloy na kakatuwang pagsunod ni Eliseo sa Diyos. Bago kunin ng Diyos si Elias, pinapunta muna siya sa Bethel at hiniling na paiwan na si Eliseo. Pursigido si Eliseong pagsilbihan ang Diyos na hindi siya pumayag magpaiwan kaya't sumama siya kay Elias pa-Bethel. Hindi ito minsanan lamang dahil buong katapatang pinagsilbihan ni Eliseo ang Diyos hanggang sa kanyang huling hininga. Siya ang pinakamahusay na ehemplo ng pagiging tapat sa Diyos. Gaano ka kadedikado sa Diyos? Lubusan ka bang naglilingkod o kung madali lang para sa'yo?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Elisha: A Tale Of Ridiculous Faith

Si Eliseo ay isa sa mga pinaka-nakaaaliw na taong makikita sa Bibliya. Siya ay isang propeta na may hindi pangkaraniwang pananampalataya at may mga himalang tila katawa-tawa. Sa loob ng 13 araw na pagbasa ng gabay na ito, mauunawaan mo ang buhay ni Eliseo at matututo ka sa kanyang halimbawa kung paano mamuhay ng may pagtitiwala at magkaroon ng pananampalatayang kakaiba.

More

We would like to thank Pastor Craig Groeschel and Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.Life.Church