Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Meaning Ng ChristmasHalimbawa

Meaning Ng Christmas

ARAW 7 NG 7

Nakagawa ka ba ng parol?

Isa sa mga main decorations natin tuwing Christmas ay ang parol. Nakagawa ka ba nito? Sa family namin, part ng Christmas tradition namin ang gumawa ng Christmas decorations. May isang Pasko na gumawa kami ng paper lanterns; isang year, parol; at sa ibang year, wreath na puno ng pine needles, pine cones, at ribbons.

Alam mo ba ano ang meaning ng parol? Tumutukoy ito sa malaking star na lumabas at nagturo sa mga wise men kung nasaan si baby Jesus. Pumunta sila sa Jerusalem at nagtanong kung saan ipinanganak ang “hari ng mga Judio.” Pumunta daw sila “upang sambahin siya.” (Mateo 2:2 ASND: Nagtanong sila, “Saan ba ipinanganak ang hari ng mga Judio? Nakita namin ang kanyang bituin sa silangan, at naparito kami upang sambahin siya.”)

Nang marinig ito ng haring si Herod, nag-panic siya: sino ba itong haring sinasabi nila? Hindi ba’t ako ang hari dito? Kinausap niya ang mga wise men at inalam kung kailan nila unang nakita ang star. Tapos, nagbilin siyang ipaalam sa kanya kapag nahanap nila ang batang hari.

Ano kaya ang nasa isip ng mga wise men na matatag ang puso na hanapin ang batang hari? Matapos silang umalis kay Herod, lumabas ulit ang bituin, at sinundan nila ito hanggang sa makarating sa bahay kung nasaan si Jesus.

Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang sanggol at ang ina nitong si Maria. Lumuhod sila at sumamba sa sanggol. Inilabas din nila at inihandog sa sanggol ang mga dala nilang ginto, insenso at pabangong mira. (Mateo 2:11 ASND)

Si Jesus ba ay hari na rin ng buhay mo? Kung hindi pa, maaari mong i-pray ito, “Jesus, gusto kong maging hari Ka ng buong buhay ko.”

The good news is, Siya ang Hari ng lahat ng hari, at puwede tayong magtiwala sa Kanya, dahil isa Siyang mabuting leader.

Isa kang miracle!

Ito na ang huling araw ng planong ito. Kung nais mong makatanggap ng encouraging email araw-araw, inaanyayahan kitang mag-subscribe sa May Himala Every Day. Kapag nag-subscribe ka, makatatanggap ka rin ng libreng wallpaper!

Banal na Kasulatan

Araw 6