Meaning Ng ChristmasHalimbawa
Ano ba ang meaning ng Christmas?
For sure, ilang beses mo nang narinig these past few months ang “Christmas in Our Hearts” ni Jose Mari Chan. Talagang naging part na ito ng Christmas months nating mga Pinoy. Anu-ano ba ang mga na-mention sa song na nakikita din natin tuwing Christmas? Yung mga batang nagtitinda ng parol, ang exchanging of gifts and cards (although bihira na ngayon ang Christmas cards), mga parties at noche buena.
Pero did you notice na may isang line din sa song na ito that’s pointing out sa meaning ng Christmas:
Whenever I see boys and girls selling lanterns in the streets
I remember the Child in the manger as He sleeps.
Sino ba ang Child na ito na tinutukoy sa kanta? Dahil dominantly Catholic country tayo, malamang mabilis mong masasagot na si Jesus itong bata na nasa manger. Pero bakit ba big deal itong pangyayari na ipinanganak Siya at nakatulog sa sabsaban?
Ilang libong taon pa pala bago ipinanganak si Jesus, marami ng promises si Lord na ibinigay sa mga tauhan Niya, isa na dito ang pagpapadala Niya ng tagapagligtas. For example, ang propetang si Isaias, na nabuhay noong 700 B.C. (mga 700 taon before Christ), ay nagsabi ng:
Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Emmanuel. (Isaiah 7:14 ASND)
At alam mo ba ano ang ibig sabihin ng “Emmanuel”? “God with us” (mentioned in the previous day’s e-mail). Gusto Niyang makasama tayo, kaya pinili Niyang ibigay sa atin si Jesus na ipinanganak na musmos na sanggol.
Today, let’s pray this: “Jesus, salamat at pinili Mong ipanganak sa mundo upang makasama ako.”
Isa kang miracle!
Mag-subscribe sa May Himala Every Day para makakatanggap ng daily encouragements.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Meaning ng Christmas
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day