Meaning Ng ChristmasHalimbawa
Takot ka ba sa dilim?
Takot ka ba sa dilim? Noong bata ako (Yen), mabilis akong matakot. Ayokong mag-isa sa madilim na lugar, kaya lagi akong may kasamang matulog. Noong nakilala ko si Jesus, natulungan ako to overcome this unreasonable fear, dahil alam kong lagi akong may kasama.
Pero ang dilim ay hindi lang isang madilim na place. Ginagamit din natin ang salitang “dilim” sa pagdescribe ng mga mahihirap na pinagdadaanan, like kapag may problema, o sa mga panahong nawawalan tayo ng pag-asa.
Bakit natin pinag-uusapan ito ngayong Christmas season? Napaisip ako about sa darkness dahil may isa pang description about kay Jesus. Makikita natin ito sa story kung saan inialay ni Joseph at Mary ang baby na si Jesus sa templo. Sa mga Judeo, iniaalay nila ang firstborn son sa templo. Habang nandoon sila, may isang taong sumalubong sa kanila, si Simeon.
Si Simeon ay isang matuwid na tao na ang sabi sa Bible ay, “sumasakanya ang Banal na Espiritu.” Isa siya sa mga taong naghihintay sa pagdating ng haring magliligtas sa Israel. Noong araw na iyon, nang makita niya si Jesus, ito ang sinabi niya:
“Panginoon, maaari nʼyo na akong kunin na inyong lingkod, dahil natupad na ang pangako nʼyo sa akin. Mamamatay na ako nang mapayapa, dahil nakita na ng sarili kong mga mata ang Tagapagligtas, na inihanda ninyo para sa lahat ng tao. Siya ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi Judio na hindi nakakakilala sa iyo, at magbibigay-karangalan sa inyong bayang Israel.” (Lucas 2:29-32 ASND)
Nakikita mo ba? Si Jesus ang magbibigay-liwanag sa isipan ng mga hindi nakakakilala sa Kanya. Ang galing, ano? Marami palang good gifts na kasama sa pagbibigay ni Lord ng Anak Niyang si Jesus! Kung kailangan mo ng liwanag, maaari mo itong hingin sa Kanya.
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
7-day Reading Plan Patungkol sa Meaning ng Christmas
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day