Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Meaning Ng ChristmasHalimbawa

Meaning Ng Christmas

ARAW 5 NG 7

Sino ba ang batang ito?

Kailan ka ba last nakahawak ng baby? May kapatid ka ba o pamangkin na naalagaan? Ang cute-cute nila, di ba? At napaka-helpless din masyado; kailangan nila ang kanilang mga magulang sa lahat ng kanilang needs, kapag nagugutom, kailangang palitan ng diaper, kapag nainitan o giniginaw.

Ngayong Christmas season, ang lahat ay kumakanta about the baby born in Bethlehem. Yes, alam nating si Jesus ang pangalan Niya. At dahil isinilang Siya bilang tao, pareho lang din siya sa iba’t-ibang sanggol na nakikita mo; helpless, at posibleng cute din! Pero ano ba ang alam mo about sa Kanya?

Kahit na mukhang ordinaryong baby si Jesus noong ipinanganak, hindi ordinaryo ang nakatakdang destiny Niya. Alam mo ba, may mga sinabi na sa Bible tungkol sa kanya, ilang daang taon na ang nakalipas? For example, ito ang nakasulat sa Isaias:

Ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin siyang, “Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.” Hindi magwawakas ang pag-unlad ng kanyang pamamahala, at maghahari ang kapayapaan. Siya ang magmamana ng kaharian ni David. Patatatagin niya ito at paghahariang may katarungan at katuwiran magpakailanman. Sisiguraduhin ng Panginoong Makapangyarihan na matutupad ito. (Isaiah 9:6-7 ASND)

Wow. Ito pala ang kapalaran ni Jesus, na isang walang kamuwang-muwang na sanggol noong first Christmas.

Ano ba ang nakikita mo dito na puwedeng makatulong sa iyo? Kailangan mo ba ng Tagapayo? Puwede si Jesus tumulong! Kailangan mo ba ng kapayapaan? Siya ang Prinsipe ng Kapayapaan!

Kung may kailangan ka ngayon sa mga ganitong bagay, puwede mo itong i-pray: “Jesus, gusto Kitang makilala bilang Kahanga-hangang Tagapayo. Turuan Mo akong humingi ng payo sa Iyo. At kailangan ko rin ng kapayapaan sa puso ko. Gusto Kitang makilala bilang Prinsipe ng Kapayapaan. In Jesus’ name, amen.”

Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Meaning Ng Christmas

7-day Reading Plan Patungkol sa Meaning ng Christmas

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day