Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Meaning Ng ChristmasHalimbawa

Meaning Ng Christmas

ARAW 3 NG 7

Alin ang mas gusto mo, palasyo o silungan ng mga hayop?

Kung pagpipiliin ka ng lugar kung saan pwedeng matulog ng isang gabi, sa hotel ba o sa silungan ng mga hayop? Siyempre, lahat tayo pipiliin ang hotel: mas kumportable, malinis, at may aircon pa!

Eh kung papipiliin ka kung saan mo gustong ipanganak ang baby mo, pipiliin mo ba ang hospital o silungan ng mga hayop? Again, syempre sa hospital. At kung hari ang ipapanganak, alam nating sa palasyo ito bagay.

Pero itong Christmas Day na ito, sini-celebrate natin ang birthday ni Jesus—na ipinanganak sa silungan ng mga hayop! Bakit kaya ito ang nangyari? Ngayong Pasko, basahin natin sa Bible ang kuwento ng pagsilang kay Jesus:

During that time, ang Emperador ng Roma na si Augustus ay gumawa ng kautusan na dapat magpatala ang lahat ng mga mamamayan ng bansang nasasakupan niya… kaya umuwi ang lahat ng tao sa sarili nilang bayan upang magpalista.

Mula sa Nazaret na sakop ng Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem na sakop ng Judea, sa bayang sinilangan ni Haring David, dahil nagmula siya sa angkan ni David. Kasama niya sa pagpapalista ang magiging asawa niyang si Maria, na noon ay malapit nang manganak. At habang naroon sila sa Betlehem, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. Isinilang niya ang panganay niya, na isang lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, dahil walang lugar para sa kanila sa mga bahay-panuluyan. (Lucas 2:1-7 ASND)

Ayan, may nangyari pala kaya napadpad sa Bethlehem sina Joseph at Mary, at kung bakit walang lugar sa mga bahay-panuluyan. Pero do you think nagulat si God sa pangyayaring ito? O sinadya talaga Niya? Ano ba ang sinasabi nito sa atin? Ibang klase ang Panginoon natin, napaka-mapagpakumbaba. At ginawa Niya ito para sa atin, para sa iyo.

Merry Christmas! Isa kang miracle!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Meaning Ng Christmas

7-day Reading Plan Patungkol sa Meaning ng Christmas

More

Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day