Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Cast Your Cares

ARAW 4 NG 10

Nagtitiwala sa Diyos

Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos. Mga Awit 20:7

Kailangan ko agad-agad ng dalawang gamot. Ang isa ay para sa allergy ng aking ina at ang isa ay para sa eksema ng aking pamangkin. Lumalala ang kanilang kakulangan sa ginhawa, ngunit ang mga gamot ay hindi na makukuha sa mga parmasya. Desperado at walang magawa, paulit-ulit akong nanalangin, Panginoon, tulungan Mo sila.

Makalipas ang ilang linggo, naging maayos ang kanilang mga kondisyon. Waring sinasabi ng Diyos: “May mga pagkakataong gumagamit ako ng mga gamot para magpagaling. Ngunit ang mga gamot ay hindi ang may huling pananalita; Ako 'yun. Huwag mong ilagak ang iyong tiwala sa kanila kundi sa Akin.”

Sa Mga Awit 20, nagkaroon ng kaginhawaan si Haring David dahil mapagkakatiwalaan ang Diyos. Ang mga Israelita ay may makapangyarihang hukbo, ngunit alam nila na ang kanilang pinakamalaking lakas ay nagmumula sa “pangalan ng Panginoon” (v. 7). Inilagay nila ang kanilang pagtitiwala sa pangalan ng Diyos—kung sino Siya, ang Kanyang hindi nagbabagong katangian, at hindi nabibigo ang Kanyang mga pangako. Pinanghawakan nila ang katotohanan na Siya na nangingibabaw at may kapangyarihan sa lahat ng sitwasyon ay diringgin ang kanilang mga panalangin at ililigtas sila mula sa kanilang mga kaaway (v. 6).

Bagama't maaaring gamitin ng Diyos ang mga bagay sa mundong ito upang tulungan tayo, sa huli, ang tagumpay sa ating mga problema ay nagmumula sa Kanya. Binigyan man Niya tayo ng resolusyon o biyayang magtiis, mapagkakatiwalaan natin na ibibigay Niya sa atin ang lahat ng sinasabi Niya. Hindi natin kailangang mabigla sa ating mga problema, kundi maaari nating harapin ang mga ito nang may Kanyang pag-asa at kapayapaan.

Karen Huang

Ama sa Langit, bigyan Mo ako ng lakas ng loob na magtiwala sa Iyo. Tulungan Mo akong maniwala na Ikaw ang lahat ng Iyong ipinangako.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Cast Your Cares

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ourdailybread.org/youversion