Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Cast Your Cares

ARAW 1 NG 10

Mga ibon sa Himpapawid

Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay.Mateo 6:25

Ang araw ay sumisikat at ang aking nakangiting kapitbahay, na nakita ako sa aming bakuran, ay binulungan ako. “Ano?” Bulong ko pabalik, naiintriga. Itinuro niya ang wind chime sa may balkonahe nila, kung saan may isang maliit na tasang may dayami sa ibabaw ng isang rehas gawa sa metal. "Pugad ng hummingbird," bulong niya. "Nakikita mo ang mga inakay?" Ang dalawang tuka, na kasing liit ng dulo ng karayom, ay halos hindi nakikita habang nakaturo pataas. "Hinihintay nila ang ina." Nakatayo kami doon nang may pagmamangha. Itinaas ko ang cellphone ko para kunan ito ng litrato. "Huwag masyadong malapit," sabi ng aking katabi. "Ayaw mong takutin ang ina." At dahil doon, nag-ampon kami—mula sa malayo—ng isang pamilya ng mga hummingbird.

Ngunit hindi ito nagtagal. Pagkatapos ng isa pang linggo, nawala ang inang ibon at ang mga inakay—kasing tahimik ng pagdating nila. Ngunit sino ang mag-aalaga sa kanila?

Ang Biblia ay nagbibigay ng maluwalhati ngunit pamilyar na sagot. Napakapamilyar nito na maaari nating kalimutan ang lahat ng ipinangako nito: "Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay,” sabi ni Jesus (Mateo 6:25). "Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan.” (v. 26).

Kung paanong ang Diyos ay nagmamalasakit sa maliliit na ibon, Siya ay nagmamalasakit sa atin—pinangangalagaan ang ating mga isipan, katawan, kaluluwa, at espiritu. Ito ay isang kahanga-hangang pangako. Nawa'y umasa tayo sa Kanya araw-araw—nang walang pag-aalala—at pumailanlang.

Patricia Raybon

Mapagmahal na Diyos, nakakapagpakumbaba na malaman na nagmamalasakit Ka sa mga pangangailangan ko sa aking buhay. Tulungan Mo akong tuparin ang Iyong pangakong magtutustos sa pamamagitan ng higit na pagtitiwala sa Iyo bawat araw.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Cast Your Cares

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ourdailybread.org/youversion