Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Cast Your Cares

ARAW 7 NG 10

Mula sa Pagkabahala tungo sa Kapayapaan

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat -

Mga Taga - Filipos 4:6

Ang paglipat ay isa sa mga pinakamalaking tagapagdala ng pagkabahala sa buhay. Lumipat kami sa aming kasalukuyang tahanan pagkatapos kong tumira ng halos dalawampung taon sa dating tirahan ko. Namuhay akong mag-isa sa unang tahanang iyon sa loob ng walong taon bago ako nagpakasal. Pagkatapos ay lumipat ang aking asawa, kasama ang lahat ng kanyang mga gamit. Nang maglaon, nagkaroon kami ng isang anak, at nangangahulugan iyon ng higit pang mga bagay.

Ang araw ng paglipat namin sa bagong bahay ay hindi ganoon kadali. Limang minuto bago dumating ang mga maglilipat, tinatapos ko pa rin ang isang manuskrito ng libro. Ang bagong tahanan ay may ilang mga hanay ng mga hagdan, kaya dobleng oras at dobleng dami rin ng mga maglilipat ang nangyari na wala sa plano namin.

Pero hindi ako na-stress sa mga pangyayari noong araw na iyon. Pagkatapos ay napagtanto ko: Gumugol ako ng maraming oras sa pagtatapos ng pagsusulat ng isang libro—isang librong punung-puno ng Kasulatan at mga konsepto ng Biblia. Sa biyaya ng Diyos, nagbabasa ako ng Biblia, nagdarasal, at sumusulat para maabot ang aking deadline. Kaya, naniniwala ako na ang susi ay ang aking paggugol ng maraming oras sa Banal na Kasulatan at sa panalangin.

Isinulat ni Pablo, “'Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.” (Mga Taga - Filipos 4:6). Kapag tayo ay nananalangin—at “nagagalak” sa Diyos (v. 4)—naitututok natin ang ating isip mula sa problema tungo sa ating Tagapagbigay. Maaaring humihiling tayo sa Diyos na tulungan tayong harapin ang isang bagay na nakakabahala sa atin, ngunit kumokonekta rin tayo sa Kanya, na makapagbibigay ng kapayapaan “na hindi maunawaan ng tao” (v. 7).

Katara Patton

Aking Tagapagbigay at Tagapagtanggol, ibinibigay ko sa Iyo ang aking mga alalahanin. Nawa'y ingatan ng Iyong kapayapaan ang aking isip at puso.

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Cast Your Cares

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ourdailybread.org/youversion