Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Ang Pangako ng Diyos na Lubos na Nagbibigay ng Kapanatagan
Ang Panginoon mong Diyos ay sumasa iyo saan ka man pumaroon. - Josue 1:9
Ilang taon na ang nakalipas, binisita ng aming pamilya ang Four Corners, ang tanging lugar sa Estados Unidos kung saan nagkikita ang apat na estado sa isang lokasyon. Ang aking asawa ay nakatayo sa bahagi na may markang Arizona. Ang aming panganay na anak na lalaki, si A.J., ay nasa bahagi ng Utah. Hinawakan ng aming bunsong anak, si Xavier, ang kamay ko habang tumatapak kami sa bahagi ng Colorado. Nang pumasok ako sa New Mexico, sinabi ni Xavier, "Nanay, hindi ako makapaniwala na iniwan mo ako sa Colorado!" Magkasama kami at magkahiwalay habang ang aming tawanan ay naririnig sa apat na magkakaibang estado. Ngayong umalis na ang aming mga anak na lalaki, lubos kong pinahahalagahan ang pangako ng Diyos na malapit Siya sa lahat ng Kanyang bayan saanman sila magpunta.
Matapos mamatay si Moises, tinawag ng Diyos si Josue upang mamuno at tiniyak ang Kanyang presensya habang pinalawak Niya ang teritoryo ng mga Israelita (Josue 1:1–4). Sinabi ng Diyos, “Sasamahan kita gaya ng pagpatnubay ko kay Moises. Hindi kita iiwan ni hindi pababayaan man” (v. 5). Dahil alam Niyang mahihirapan ang Kanyang bayan dahil sa pag-aalinlangan at takot, ang Diyos ay nagtayo ng pundasyon ng pag-asa sa mga salitang ito: “Tandaan mo ang bilin ko: Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man magpunta.” (v. 9).
Saan man tayo dalhin ng Diyos o ang ating mga mahal sa buhay, kahit sa mga mahihirap na panahon, ang Kanyang pangako na lubos na nagbibigay ng kapanatagan ay tumitiyak sa atin na Siya ay laging nariyan.
Xochitil Dixon
O Diyos na sa tuwina ay nariyan at kasama ko, salamat sa pagbibigay ng pangako na lagi Kang nariyan para sa akin.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.
More