Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ipagkatiwala Mo ang Iyong mga AlalahaninHalimbawa

Cast Your Cares

ARAW 3 NG 10

Sa Lilim ng Bagwis ng Diyos

Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah) - Mga Awit 61:4

Ilang pamilya ng mga gansa na mula sa Canada na may mga batang gansa ang nasa lawa malapit sa aming apartment complex. Ang mga maliliit na gansa ay mabalahibo at cute, mahirap na hindi panoorin ang mga ito kapag ako ay naglalakad o tumatakbo sa lawa. Ngunit natutuhan kong iwasan ang pagtama ng aming mga mata at hindi ako masyadong lumalapit sa kanila—kung hindi, baka paghinalaan ako ng isang magulang na gansa at akalaing ako'y isang banta at habulin ako!

Ang larawan ng isang ibon na nagpoprotekta sa kanyang mga anak ay ginagamit ng Banal na Kasulatan upang ilarawan ang magiliw at mapagprotektang pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang mga anak (Mga Awit 91:4). Sa Mga Awit 61, si David ay tila nahihirapang maranasan muli ang pangangalaga ng Diyos sa ganitong paraan. Naranasan niya ang Diyos bilang kanyang “kanlungan, isang matibay na muog” (v. 3), ngunit ngayon ay desperado siyang tumawag “mula sa mga dulo ng mundo,” nagsusumamo, “Akayin mo ako sa bato na mas mataas kaysa sa akin” (v.. 2). Siya ay nagnanais na muling “magkanlong sa lilim ng bagwis [ng Diyos]” (v. 4).

Sa pagdadala ng kanyang sakit at pananabik na gumaling sa Diyos, naaliw si David sa pagkaalam na siya'y narinig Niya (v. 5). Dahil sa katapatan ng Diyos, alam niyang siya ay “aawit kailanman sa pagpupuri sa [Kanyang] pangalan” (v. 8).

Tulad ng salmista, kapag naramdaman nating malayo tayo sa pag-ibig ng Diyos, maaari tayong tumakbo pabalik sa Kanyang mga bisig upang makatiyak na kahit na sa ating sakit, Siya ay kasama natin, pinoprotektahan at inaalagaan tayo gaya ng isang ina na nagbabantay sa kanyang mga anak.

Monica La Rose

Aking Diyos, salamat sa Iyong matindi at mapagtanggol na pag-ibig para sa akin. Tulungan Mo akong makapagpahinga nang ligtas sa Iyong magiliw na pangangalaga.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Cast Your Cares

Pinupuri mo man ang Diyos para sa Kanyang biyaya o nakikipagbuno sa iyong pananampalataya, lagi kang sasalubungin ng Diyos ng Kanyang hindi nagbabagong pag-ibig, katotohanan, at lakas. Pumasok sa isang komunidad ng mga kababaihan na nakatuon sa paglapit sa Diyos at sa isa't isa sa pamamagitan ng pagtitiwala na Siya ay sapat na at palaging magiging sapat.

More

Nais naming pasalamatan ang Our Daily Bread sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ourdailybread.org/youversion