Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ng Mga Bagong BagayHalimbawa

All Things New

ARAW 3 NG 5

Kapag nagsasalita si Pablo patungkol sa mga paghihirap ni Cristo na lumiligwak sa ating mga buhay, maaaring ang ibig niyang sabihin ay mga magkakapatong-patong na mga ideya: 1. Paghihirap dahil kay Cristo. 2. Paghihirap na itinalaga sa atin ni Cristo. 3. Paghihirap na may kaugnayan kay Cristo. 4. Paghihirap katulad ng tiniis ni Cristo.[1] Naniniwala ako na mahalaga para sa ating malaman na dahil sa pagiging mananampalataya, tayo ay maghihirap sa ilang mga natatanging bagay dahil sa kaugnayan natin kay Cristo. Maraming mga Cristiano ang naghihirap sa matinding pag-uusig sa buong mundo habang ang iba naman ay nasasaktan nang mas kaunti, subalit masakit pa ring pamamaraan para sa kanilang pananampalataya. Napagtanto ni Pablo na may tiyak na pakikipagsamahang nangyayari kasama si Jesus sa panahon ng pagdurusa sa kadahilanang walang higit na mas nakakaalam ng pagdurusa maliban sa Kanya.

Hindi pa ako nakakakilala ng isang tao na nagugustuhan ang paghihirap, subalit marami na akong nakilala na natagpuan ang pagiging malapit kay Jesus sa gitna ng kanilang paghihirap. Mayroong ilang bahagi ni Jesus na hindi mo malalaman sa daan ng ginhawa, at kapag natikman mo na ang pagiging malapit sa Kanya ay hindi mo ito ipagpapalit para sa maayos na takbo. Dagdag sa karanasan nang pagkakaroon ng espesyal na pakikisama kay Jesus (Mga Taga-Filipos 3:10), inihayag ni Pablo ang isa pang dahilan kung bakit ang paghihirap ay nagdadala ng biyaya. 

Kapag ang paghihirap ni Cristo ay umaapaw sa ating mga buhay, ang umaapaw sa atin ay ang kaginhawaan ng Diyos. (2 Mga Taga Corinto 1:5). Ito ay kahanga- hanga! 

Isa sa pinakamagandang pahayag sa kabuuan ng Banal na Kasulatan ay matatagpuan sa bersikulo 4. "Inaaliw Niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap natin sa Kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis" (RTPV05). Kapag dumadaan tayo sa kahirapan, madalas mahirap makakita sa labas ng ating mga sakit. Subalit nakakakuha tayo ng dakilang layunin sa ating paghihirap kapag nalaman natin na ang ating mga karanasan ay magsisilbi bilang natatanging kaginhawaan sa iba na nakakaranas ng parehong mga pagsubok.

Ang paghihirap ni Cristo at ang Kanyang kaginhawaan ay magkasabay sa ating mga buhay, magkatabi. Bilang Mga Cristiano, hindi kailanman natin kailangang maghirap na wala ang kaginhawaan ni Cristo, at naniniwala ako na may mga tiyak na kaginhawaan na hindi kailanman natin malalaman kung nakahiwalay tayo sa Kanyang paghihirap. Kung ikaw ay dumadaan sa isang pagsubok, na napakabigat at halos hindi mo na kinakaya, humugot mula sa kaginhawaan ng Diyos na nagmumula sa katauhan ni Jesus patungo sa buhay mo. Ipinapangako Niyang ito ay sukat sa iyong sakit. Kapag natagpuan mo ang kaaliwan ng Diyos, mananabik kang talian ang mga sugat ng ibang tao na nakakaramdam din ng sakit na kapareho ng sa iyo sapagkat ang kaginhawaan ng Diyos ay likas na nag-uumapaw. Ikaw ay mayroong higit pa sa sapat na maibabahagi. 

   
[1]David E. Garland,The New American Commentary, Volume 29, 2 Mga Taga Corinto (Nashville: Broadman & Holman Publishers, 1999) nagamit noong Agosto 7, 2017 via mywsb.com.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

All Things New

Sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng Aklat ng 2 Mga Taga-Corinto, All Things New ay tinutuklas ang teolohiya ng mapangahas na pananampalataya ni Pablo dito sa mundo at ang pagtawag sa atin ng Diyos para maging matapang. Tutulungan tayo ni Kelly Minter para maintindihan kung paano ang lakad Cristiano ay mukhang salungat sa ating natural na gawi, subalit ito ay nagpapatunay na walang katapusan at walang hanggang mas mabuti. Dito sa 5-araw na planong pagbabasa, matutuklasan mo ang mga isyu tulad ng: paano harapin ang mahirap na relasyon, manalig sa Diyos sa iyong dangal, saligan ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, maintindihan ang layunin ng paghihirap at ang pagtustos ng Diyos dito, at kung paano tayo magiging ilaw ng ebanghelyo sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Women sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/allthingsnew