Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ng Mga Bagong BagayHalimbawa

All Things New

ARAW 4 NG 5

Kung mayroon mang isang bagay tungkol sa pag-aaral ng 2 Mga Taga-Corinto na hinamon ako nang personal, ito ay ang hindi pag-iwas ni Pablo sa mga mahihirap na relasyon. Darating tayo diyan sa kalaunan, subalit ang Mga Taga-Corinto ay may mga naging isyu kay Pablo, at ang hindi niya pagpapakita noong sinabi niyang darating siya ang isa sa mga ito. Subalit bago dumako si Pablo sa isang pagpapaliwanag ng kanyang mga kilos, itinatag muna niya ang kanyang puso patungo sa kanila. 

Ang simbahan ay hindi tumugon nang maayos kay Pablo ayon sa 1 Mga Taga-Corinto. Ang kapwa-manggagawa sa ministeryo ni Pablo na si Timoteo, ay bumisita sa Mga Taga-Corinto pagkatapos isulat ni Pablo ang liham na iyon, na iniuulat ang hindi birong mga problema - usaping moral, bulok na paniniwala, at pangkat ng mga relasyon, ang ilan sa mga problema. Bunga nito, naglayag si Pablo mula sa Efeso patungo sa Corinto para harapin ang mga taga-Corinto nang personal, na tinukoy niya sa 2 Mga Taga-Corinto 2:1-2 bilang "nakakalungkot na pagbisita."

Ang sipi para sa araw na ito ay naghahayag na ang mga taga-Corinto ay nagtanong kung ano ang dahilan ni Pablo sa hindi niya pagpunta. Bagama't minamahal sila ni Pablo, isang pulutong ng mga kalaban ang pumukaw sa simbahan ng mga taga-Corinto, pumukol ng pagdududa patungkol sa tunay at tapat na uri ng pagmamalasakit ni Pablo. Maisingit ko lang dito, para sa akin, ito na ang pinakamasama. Ayaw kong hindi ako nauunawaan, lalo na sa sitwasyon kung saan ginawa ko ang lahat, nagsakripisyo, hindi sinipot, o kaya ay lumampas na sa aking kapasidad para sa ibang tao. Hindi ko sinasabing lagi itong nangyayari sa akin, subalit kapag nangyari ito, lagi akong nakikipagbuno sa dalawang pangunahing desisyon: 1. Pagkakatiwalaan ko ba ang Panginoon ng aking dangal, panatag na may malinaw na budhi ako sa harap Niya (v. 12)? 2. Kaya ko bang patuloy na mahalin ang mga taong pinagbintangan ako? 

Hindi karaniwang positibo ang ibig sabihin kapag sinabihan ka ng isang tao na ipinagtatanggol mo ang isang bagay. Iniisip natin na ang tanging maka-Diyos na tugon ay ang manatiling tahimik at hindi kailanman ipaliwanag ang ating mga sarili. (Sinabi ng Mga Kawikaan 9:8 na huwag punahin ang mapangutya.) Subalit minsan, ang pagpapaliwanag ng ating mga gawain ay hindi lamang nararapat, bagkus, kailangan din para sa kaugnayan. Kaya paano mo malalaman kung kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo o hindi? Heto ang litmus test na ginagamit ko: Kung ang pagtatanggol sa sarili ko ay naiudyok ng sariling-pag-iingat at nailalarawan ng pagmamalaki, galit, takot, o kaya ay sariling-katuwiran, malamang ito ay galing sa pagkatao ko. Samantala, kung ang pagtatanggol sa sarili ko ay naiudyok ng pagmamahal para sa ibang tao at nailalarawan ng kalinawan, pagpapakumbaba, kabaitan, at katapatan, ito ay galing sa Espiritu Santo. Nakatala sa buong sulat natin na malinaw na ipinagtatanggol ni Pablo ang sarili niya, hindi para sa kapakanan ng sariling pagmamatuwid, bagkus para sa pagmamahal niya sa mga taga-Corinto. 

Ano ang iyong awtomatikong reaksyon kapag ikaw ay hindi naunawaan o pinagbintangan? 

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

All Things New

Sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng Aklat ng 2 Mga Taga-Corinto, All Things New ay tinutuklas ang teolohiya ng mapangahas na pananampalataya ni Pablo dito sa mundo at ang pagtawag sa atin ng Diyos para maging matapang. Tutulungan tayo ni Kelly Minter para maintindihan kung paano ang lakad Cristiano ay mukhang salungat sa ating natural na gawi, subalit ito ay nagpapatunay na walang katapusan at walang hanggang mas mabuti. Dito sa 5-araw na planong pagbabasa, matutuklasan mo ang mga isyu tulad ng: paano harapin ang mahirap na relasyon, manalig sa Diyos sa iyong dangal, saligan ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, maintindihan ang layunin ng paghihirap at ang pagtustos ng Diyos dito, at kung paano tayo magiging ilaw ng ebanghelyo sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Women sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/allthingsnew