Lahat ng Mga Bagong BagayHalimbawa
Ang buhay Cristiano ay talagang isang kabalintunaan. Kung ano ang pinapahalagahan ni Jesus ay siyang kabaligtaran ng kung ano ang kinakapitan natin sa ating natural na kalagayan.
Ang Ikalawang Mga Taga-Corinto ay isang sulat ng mga kabaligtaran. Ito ay isang sulat patungkol sa mapangahas na pananampalataya ng paglalagay ng lahat ng ating pag-asa sa Diyos, kahit na ang pagtitiwala natin sa ating kalakasan at pagpapahalaga sa sarili upang makapanaig ay tila mas ligtas at mas pamilyar. Ito ay patungkol sa walang hanggang kapayapaan sa kaibuturan ng ating mga kaluluwa na dumarating kapag ang ating mga kasalanan ay hindi na binibilang laban sa atin sapagkat ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak na si Jesus dito sa mundo, na Siyang kumuha ng ating mga kasalanan. Tinatawag ito ni Pablo na pakikipagkasundo.
Nang dumating si Pablo sa bandang simula ng A.D. 50s, ang Corinto ay nasa taluktok ng kanyang pag-unlad. Isang sentro ng pangangalakal sa timog ng Griyego, ang Corinto ay maunlad, mayaman, at babad sa halong kultura ng mga Romano at Griyego. Ang sinaunang lunsod ng Corinto ay ipinagmamalaki ang lahat ng gugustuhin mo. Subalit alam natin: ang pagkakamit ng lahat ng gugustuhin natin ay hindi palaging nagtatapos sa akala nating gusto natin.
Ang kayamanan ng kultura ng Corinto ay mayroong negatibong aspeto, parang katulad ng ating modernong lunsod. Prostitusyon, pagkaalipin, at lahat ng uri ng sekswal na imoralidad ay nagsama-sama sa loob ng kanyang teritoryo. Kahit saan ay may huwad na diyus-diyosan.
Nasumpungan ko ang sulat na ito na nakahihikayat dahil kung ang iglesia ay gumana sa Corinto, gagana rin ito sa mga lugar kung saan tayo namumuhay. Inaamin ko na minsan ay naiisip kong ang ating mundo ay wala nang lunas pagdating sa abuso, pagtatangi ng lahi, at kabulukang moral. Gayunpaman, kung ang ebanghelyo ni Jesus ay nakapagbago sa mga masasamang babae sa Corinto, mapang-aping mayayaman, mga pagano, at mga pinuno sa sinagoga, kung gayun, ang mabuting balita ni Jesu-Cristo ay makakapagbago sa mga tao sa mga lunsod natin ngayon. At kahit ako ay natutukso minsan na mag-isip na ang mga bayan ng Diyos ay matatagpuan lamang sa relihiyosong kalagayan, ang bayan ng Diyos ay nasa Corinto. Katulad ng paglalagay Niya sa iyo at sa akin sa mga kulturang kalagayan kung saan tayo namumuhay. Ang Ikalawang Mga Taga-Corinto ay nagpapaalala sa atin na ang iglesia ng Diyos ay pinakamakinang sa kadiliman at hindi sa mga maliwanag ng mga santuwaryo.
Habang nagpapatuloy ka sa 2 Mga Taga-Corinto, maging mapagmasid ka sa mga magkasalungat. Tandaan mo ang pamamaraan kung paanong minahal ni Pablo ang Mga Taga-Corinto nang walang kondisyon. Habang isinasaalang-alang mo ang kapansin-pansing pagkakaiba, huwag mong kalilimutang ikaw ay binigyan ng lakas na mabuhay nang maganda at tahasang inihiwalay dahil—mula sa pagkamatay ni Jesus at sa Kanyang muling pagkabuhay—nawala na ang luma, dumating na ang bago. Sa huli kong pagsusuri, ang luma at bago ay magkabaligtad.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng Aklat ng 2 Mga Taga-Corinto, All Things New ay tinutuklas ang teolohiya ng mapangahas na pananampalataya ni Pablo dito sa mundo at ang pagtawag sa atin ng Diyos para maging matapang. Tutulungan tayo ni Kelly Minter para maintindihan kung paano ang lakad Cristiano ay mukhang salungat sa ating natural na gawi, subalit ito ay nagpapatunay na walang katapusan at walang hanggang mas mabuti. Dito sa 5-araw na planong pagbabasa, matutuklasan mo ang mga isyu tulad ng: paano harapin ang mahirap na relasyon, manalig sa Diyos sa iyong dangal, saligan ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, maintindihan ang layunin ng paghihirap at ang pagtustos ng Diyos dito, at kung paano tayo magiging ilaw ng ebanghelyo sa mundo.
More