Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ng Mga Bagong BagayHalimbawa

All Things New

ARAW 2 NG 5

Dati ay iniisip kong kung mahal ko ang Diyos at gagawa ako ng matitibay at biblikal na pagpili, ako ay pagpapalain ng masasabi mong magandang buhay, walang dalamhati o kapahamakan o karamdaman. Sa aking pagtanda, unti-unti kong napagtantong ang pagsunod sa Diyos ay hindi gumagarantya ng ganitong kasiguruhan, ng ganitong kaligtasan. Gayunpaman, inisip kong kung ginawa ko ang bahagi ko ay mapipilitan ang Diyos na gawin ang Kanya: buuin ang isang uri ng buhay na pinag-iimbutan sa Amerika at pangalagaan ako laban sa sakit. 

Para malaman ninyo, naniniwala akong nagbubunga ng biyaya ang pagsunod at natutuwa ang Diyos sa pagbibigay sa atin ng mga materyal na kaloob at maging kaloob na may kinalaman sa ating mga relasyon, na madalas ay bilang tugon sa pagsunod sa Kanya. Magkagayunman, ang kaunawaan ko kung paanong naaangkop ang pagdurusa—o ang hindi pagkakaangkop nito—sa isang mas malaking pananaw ng pananampalatayang Cristiano ay may kakulangan. Inihahayag ng Biblia na ang pagdurusa ay may lugar sa ating mga buhay, maging ang Mga Hebreo 2:10 ay ipinaliliwanag na si Jesus ay naging sakdal sa pamamagitan ng pagdurusa. Ang nakaligtaan ko sa aking pagmimithi sa kung anong masarap sa pakiramdam at pagsubok na ingatan ang sarili ko mula sa anumang kinatatakutan kong "padating sa akin" (sa mga pananalita ni Job) ay napakasimple nga: ang pagdurusa ay bahagi ng pagpapala. 

Ang kaisipan tungkol sa pagdurusa ay hindi dapat magtarak ng biglang takot sa ating mga puso dahil ang Diyos ay nariyan lalong-lalo na sa ating pagdurusa. Ngunit hindi rin naman natin dapat akuin ang isang buhay ng sakit, pagkamartir, at pagiging biktima sa pangalan ni Jesus. Sa kaduluhan nito, hindi natin dapat katakutan ang pagdurusa, ngunit hindi rin naman natin dapat itong hanapin. 

Sinimulan ni Pablo ang kanyang sulat sa mga taga-Corinto sa pamamagitan ng pagkilala sa dalawa sa mga katangian ng Diyos na natatagpuan natin sa ating mga pighati (kabagabagan o paghihirap). Pansinin na hindi sinabi ni Pablo na ang Diyos ay isang maawaing Ama, bagaman at iyon Siya, sa halip ay sinabi niyang Siya ang Ama ng mga kahabagan. Siya ang simula at pinagmulan ng lahat ng awa. Siya ang una at tanging bukal ng awa—ang Ama kung saan dumadaloy ang lahat ng awa. Ito ay isang pagbabago ng pananaw para sa isang taong nakikita ang Diyos bilang isang nilalang na paminsan-minsan ay pinapagana ang Kanyang kabutihan. 

Tingnan natin ang pinagmulang wika ng salitang kahabagan (awa). Ang ibig sabihin nito ay "sisidlan kung saan naroon ang awa, isang puso ng awa, emosyon, pag-asam, pagpapakita ng habag" o "ang kaloob-looban." Kapag tiningnan natin ang kahulugan ng salitang ito, nakakadama tayo ng masidhing damdamin. Ayon sa Banal na Kasulatan, nais kong pakinggan mo ngayong araw na ito na ang damdamin ng Diyos ay para sa iyo. Buong kahabagan at buong awang minamahal ka Niya.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

All Things New

Sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng Aklat ng 2 Mga Taga-Corinto, All Things New ay tinutuklas ang teolohiya ng mapangahas na pananampalataya ni Pablo dito sa mundo at ang pagtawag sa atin ng Diyos para maging matapang. Tutulungan tayo ni Kelly Minter para maintindihan kung paano ang lakad Cristiano ay mukhang salungat sa ating natural na gawi, subalit ito ay nagpapatunay na walang katapusan at walang hanggang mas mabuti. Dito sa 5-araw na planong pagbabasa, matutuklasan mo ang mga isyu tulad ng: paano harapin ang mahirap na relasyon, manalig sa Diyos sa iyong dangal, saligan ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, maintindihan ang layunin ng paghihirap at ang pagtustos ng Diyos dito, at kung paano tayo magiging ilaw ng ebanghelyo sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Women sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/allthingsnew