Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lahat ng Mga Bagong BagayHalimbawa

All Things New

ARAW 5 NG 5

Matatandaang ipinaliwanag ni Pablo sa mga taga-Corinto na ang pagpapaliban ng kanyang paglalakbay ay nanggaling sa tapat na puso. 

Ang katapatan ay tila isang nawawalang katangian sa ating panahon, nalulupig ng manipulasyon, tinatabingan ang katotohanan, pasibo-agresibong tugon, pagsisinungaling, at kunwang papuri. Gaano kayabong kaya ang katawan ni Cristo kung tayo ay dalisay at tapat tungo sa isa't isa, pati na rin sa mga nasa mundo? 

Hindi man natin sinasadyang sabihin sa mga taong oo kapag ang gusto talaga nating sabihin ay hindi, o magsabi ng hindi samantalang ang gusto talaga natin ay oo, subalit ginagawa natin ito sa mas banayad na pamamaraan. 

Kapag tumigil tayo rito ay magkakaroon tayo ng talagang nakakatulong na aral sa integridad at pagiging tama. Subalit si Pablo ay may higit pang gusto para sa atin kaysa sa pag-angat ng antas ng ating integridad.

Ang katangian ng pananampalatayang Cristiano ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng moral na pamantayan o kaya ay magmukhang mga Cristianong maayos ang kilos alang-alang sa pagiging tunay na mabuting tao. Napakaraming panahon na ang ginugol ni Pablo sa ganoong hangarin, pagkakamit ng magaling na edukasyong Judio, pagiging isang Pariseo, sinanay ng isang rabbi na nasa mataas na posisyon, at nagpapakita ng pagkamakatuwiran nang walang kapintasan. Subalit napagtanto niya na ang lahat ng kanyang "kabutihan" ay katumbas lamang ng tambak ng dumi (Filipos 3:8). 

Ngayong ipinagtatanggol niya ang kanyang mga kilos sa mga taga-Corinto, ipinupunto niyang hindi ka dapat maging mahina tungo sa kanila dahil ito ay salungat sa isa sa mga pangunahing paniniwala niya: ang Diyos ay tapat. Hindi Siya makakapagsinungaling. Hindi Niya ipapawalang bahala ang Kanyang Salita. Nagkaroon Siya ng isang kasunduang pangako na tubusin ang Kanyang mga anak, at ang bawat pangako na kasama roon ay "oo" kay Jesus. At si Jesus ang oo ng Diyos sa atin para sa buhay na may kabuluhan at pag-asa na inaasam-asam natin (2 Mga Taga-Corinto 1:19-20). Ibig sabihin, "Dahil pagdating kay [Jesus], lahat ng pangako ng Diyos ay nakatanggap ng "oo" bilang kasagutan." Kung ang Diyos ay hindi salawahan sa Kanyang mga oo at mga hindi, ganoon din si Pablo. 

Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo tapat o tahasan sa ating mga relasyon ay dahil hindi tayo nakasalig sa "oo" ni Jesus. Alam kong hindi ako makapagdesisyon, at paminsan-minsan ay nagmanipula, sa mga pangyayari sapagkat gusto kong tumakbo ang buhay ko sa paraang gusto ko. Ang pagkapit sa isang oo o hindi ay maaaring naging banta sa hangaring ito. Subalit kapag nagtitiwala ako sa katapatan ng Diyos, sa Kanyang pagkatao at pamamahala sa aking buhay, hindi ko kailangang magmanipula o maging mapagkunwari.

Sa pagtatapos natin ng ating pag-aaral, ano ang bahaging nakaantig sa iyo nang lubusan? 

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

All Things New

Sa paglalakbay na ito sa pamamagitan ng Aklat ng 2 Mga Taga-Corinto, All Things New ay tinutuklas ang teolohiya ng mapangahas na pananampalataya ni Pablo dito sa mundo at ang pagtawag sa atin ng Diyos para maging matapang. Tutulungan tayo ni Kelly Minter para maintindihan kung paano ang lakad Cristiano ay mukhang salungat sa ating natural na gawi, subalit ito ay nagpapatunay na walang katapusan at walang hanggang mas mabuti. Dito sa 5-araw na planong pagbabasa, matutuklasan mo ang mga isyu tulad ng: paano harapin ang mahirap na relasyon, manalig sa Diyos sa iyong dangal, saligan ang iyong pagkakakilanlan kay Cristo, maintindihan ang layunin ng paghihirap at ang pagtustos ng Diyos dito, at kung paano tayo magiging ilaw ng ebanghelyo sa mundo.

More

Nais naming pasalamatan ang Lifeway Women sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.lifeway.com/allthingsnew