Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos NitoHalimbawa
Donna Gibbs: Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito Ikapitong Araw ng Debosyonal
Lumapit ka sa Akin
Banal na Kasulatan: Mateo 11:28
Ang tawag ni Jesus na magpahinga sa Mateo 11:28 ay isa sa mga paborito kong talata sa Biblia. Ikaw ay nabibigatan kung ikaw ay nahaharap sa isang hindi inanyayahang trahedya, pagkabigo, pagsusuri, o pagkawala. Ikaw ay pagod. Baka pagod na pagod ka na. “Lumapit kayo sa akin” ang tapat na mga salita ng isang magiliw na Tagapagligtas, na nag-aanyaya sa iyo na humingi ng kaligtasan at kapahingahan sa Kanya. Ang iyong kapaguran ay ginagawa kang marapat para sa imbitasyong ito. Nais Niyang kilalanin mo kung ano man ang umaapi sa iyo. At bilang kapalit, nag-aalok Siya ng kapahingahan at kapayapaan at kaluwagan.
Tinatawag ko itong Ang Dakilang Pagpapalitan. Pagnilayan ang talatang ito ng Kasulatan. Ipikit ang iyong mga mata at isipin ang eksena. Nakatayo si Jesus na nakabukas ang Kanyang mga braso. Hinahabol ka Niya. Inaanyayahan ka Niya na sabihin ang iyong pasanin. At pagkatapos ay ilagay ito sa Kanyang paanan. Isipin na ibinibigay ni Jesus ang iyong pasanin sa Ama, pagkatapos ay babalik sa iyo upang ang Kanyang mga bisig ay maging pahingahan para sa iyong pagod na kaluluwa. Alam Niya ang iyong pakikibaka, nag-aalok ng tulong at pag-asa laban sa mga pasakit na nakapipinsala sa iyo. Aminin mo sa Kanya ang iyong sakit. Tumugon sa Kanyang paanyaya. Ang hakbang na ito ay nagpapalaya sa iyo upang simulan ang gawain ng pagbuo ng katatagan at hindi nito hinahayaang masadlak ka sa iyong pagdurusa.
Ang iyong mga sakit ay hindi kailangang tukuyin o idikta ang iyong hinaharap. Marahil ang iyong kakulangan sa ginhawa ay nangyari ilang taon na ang nakalipas, ngunit nabuhay ka nang may mga natitirang epekto sa halos buong buhay mo. Hindi mo kailangang maghintay ng walang hanggan upang makahanap ng kagalingan. Ang pagpapanumbalik ay maaaring magsimula ngayon, simula ngayon. kapag naiipit ka sa iyong pagdurusa, halos hindi ka na makakilos. Wala kang pagkakataong ganap na mabuhay. Ngunit oras na para mabuhay! Upang umunlad! Upang gumaling! Oras na para bawiin ang iyong buhay. Nais ng Diyos na makabangon ka mula sa sakit na nagnanakaw sa iyo at nagpapaliit sa iyong mundo. Tunay nga, may magagandang plano Siya para sa iyo. Nais Niyang gamitin ang iyong pagdurusa upang lumikha ng isang kamangha-manghang bagay. Para makinabang ka. Para itulak ka sa mas mataas na antas. Dahil mahal ka Niya, gusto Niyang palakasin ang iyong katatagan. Nais Niyang gamitin ang iyong pinagdaraanan upang lumikha ng isang bagay na maganda sa iyo.
Naramdaman mo na ba na ang iyong paghihirap ay tumutukoy sa iyo? Ano ang magiging anyo ng pagtanggap ng pagpapagaling ng Diyos? Paano maaaring humantong ang iyong sakit sa isang bagay na maganda sa iyo?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
More