Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos NitoHalimbawa
Donna Gibbs: Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito Ikatlong Araw ng Debosyonal
Isang Pagbabago sa Pananaw
Banal na Kasulatan: Mga Awit 19:14
Upang magkaroon ng katatagan, dapat nating linisin ang paulit-ulit at mapanirang mga kaisipan tungkol sa ating sarili, sa Diyos, sa iba, at sa ating mga sitwasyon. Maaari mong makita na kapag ikaw ay higit na nahihirapan, tumutuon ka sa mga kaisipan tulad ng:
Hindi ako tinutulungan ng Diyos.
Hindi ko na kaya ang isang araw na ganito.
Hinding-hindi na ako makakaranas ng anumang magandang bagay sa buhay.
Walang nakakaintindi.
Napakasama nito. Hinding-hindi ko na malalampasan ito. Hindi ko ito kakayanin.
Napakasama ko.
Ang pagbuo ng katatagan ay nangangailangan ng pagpapalit ng mga maling kaisipan ng mga makatotohanan. Sa pakikipaglaban natin dito, sinasadya nating idirekta ang ating pag-iisip, at sa pagsusumikap, pinapalitan natin ang ating awtomatiko at mapanirang mga kaisipan ng mga pag-iisip ng pag-asa, katotohanan, pasasalamat, at kung minsan ay sinasadyang pasasalamat pa nga. Ang pagbabago sa ating pag-iisip ay kung paano tayo bumawi mula sa mga sakit ng buhay at bumuo ng katatagan. Pansinin na wala tayong ginagawa sa ating mga kalagayan mismo. Binibigyang-kahulugan natin ang ating mga pananaw at ang ating mga iniisip tungkol sa mga pangyayari.
Kapag naririnig ko ang salitang katatagan, naiisip ko agad ang isang bolang matalbog. Kapag naghagis ka ng bolang matalbog sa sahig, tumatalbog ito pabalik nang mas mataas kaysa sa panimulang punto nito. Habang inihahagis mo ito nang pababa na mas malakas, ang reaksyon nito ay ang mas mataas na pagtalbog. Ang katatagan ng bola ay lumalaban sa grabidad.
Ganun din kaya ang nangyayari sa mga hinanakit natin sa buhay? Posible bang ang ating mga trahedya ang magtutulak sa atin na bumalikwas? Makakabalik ba tayo sa huli na nasa mas magandang anyo kaysa bago tayo ibinagsak sa lupa? Siyempre! Kaibigan, makakabawi ka rin. Alam kong kaya mo, dahil kilala ko ang Diyos na maaaring magdala sa iyo sa katatagan!
Gumagawa ang Diyos ayon sa Kanyang panahon, hindi sa atin. Siya ay isang manggagamot na nakatuon sa proseso, na ginagabayan tayo sa ating mga sakit at sa ating pagpapagaling sa halip na sa paligid nito o palayo sa mga ito. Magtitiwala ka ba sa Kanya upang simulan ang pagdadala sa iyo sa gitna ng iyong mga pasakit? Oras na para bumawi. Bigyan ang iyong sarili ng pribilehiyo ng pagkakataong iyon. Hindi ibig sabihin na napahinto ka ay dapat kang manatili doon. Ang Diyos ay magdadala ng mga pagpapala mula sa iyong mga sumpa. Gusto Niyang bumawi ka.
Anong mga mapanirang kaisipan ang madalas na pumapasok sa iyong isipan? Ano ang iminumungkahi nila tungkol sa kung paano mo iniisip ang iyong sarili? Anong mga positibong kaisipan ang maaari mong ipalit sa kanila?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
More