Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos NitoHalimbawa

Donna Gibbs: Paano Lagpasan Ang Paghihirap At Maging Mas Matatag Pagkatapos Nito Ikaapat na Araw na Debosyonal
Nakahilig sa Diyos
Banal na Kasulatan: Mga Awit 5:13
Kung ikaw ay napahinto sa isang lugar sa iyong buhay, malamang na pakiramdam mo ay hindi ka nakakonekta sa Diyos. Baka maramdaman mong pinabayaan ka na Niya. O baka pinili mong iwan Siya dahil hindi ka na naniniwalang makikialam Siya sa iyong buhay. Maaari mong maramdaman na wala Siyang pakialam o laban Siya sa iyo sa halip na para sa iyo. Maaari kang pumunta sa simbahan at makitang lipas na ito at tila isang nakagawian na lang. Maaari mong basahin ang Kasulatan at maramdamang wala na itong kahulugan para sa iyo. Baka magalit ka na talaga. Ang Diyos, na nangako na ang Kanyang mga paraan ay hindi naglayon na makapinsala, ay nagbigay-pahintulot sa isang bagay na kakila-kilabot na dumating sa iyong buhay. Maaaring pakiramdam mo ay pinagtaksilan ka Niya. Maaaring nabigo ka sa Kanyang proteksyon.
Normal na maranasan ang panahon ng espirituwal na pakikibaka kasunod ng isang trahedya o pagkabigo. Mayroon tayong kaugnayan sa Diyos, na natural na magiging mas malakas sa ilang partikular na panahon kaysa sa iba. Gayunpaman, kapag tayo ay natigil dahil sa mapanirang teolohiya o pag-iisip, tayo ay nagiging bukas sa pagka-diskonekta. Ang totoo, ang Diyos ay maginoo, kaya hindi Siya mapilit. Kapag gusto natin ang ating espasyo, pinapayagan Niya ito. Sa kasamaang palad, ang ating pakikibaka ay maaaring maging pangunahing pokus natin. Hindi natin nilalayon na sambahin ang ating pagdurusa, ngunit kapag tayo ay natigil, hindi natin sinasadyang masadlak dito. Ang pagkasadlak na ito ay maaaring magdulot ng isang hindi sinasadyang pagpapahaba ng espirituwal na pakikibaka tungo sa isang pangmatagalang pagkahiwalay sa Diyos.
Isang bagay ang sigurado—ninanais ka ng Diyos, nararamdaman mo man o hindi. Siya ang pinakadakilang pinagmumulan ng iyong katatagan, at ang pagkakahiwalay na ito ay dapat matugunan para makabangon ka mula sa mga sakit na nagpapanatili sa iyo. Ang pagtulay mula sa pagkadiskonekta ay maaaring magdala ng panganib. Maaari mong maramdaman na hindi mo na mapagkakatiwalaan ang Diyos. Maaari kang matakot sa kung ano ang gagawin Niya sa iyong pananampalataya sa Kanya o sa iyong paghahangad sa relasyong iyon. Hinihikayat kita na sumandal kahit hindi mo batid iyon.
Naaalala ko ang Mga Awit kung saan si David ay umiyak sa Diyos dahil sa dalamhati at desperasyon. Gayahin natin siya at dumaing tayo sa Diyos ngayon. Ilatag mo ang iyong kaguluhan sa harapan Niya. Payagan ang iyong sarili na maging mahina at bukas sa Kanya. Anyayahan ang Diyos na talakayin ang mga bahagi ng iyong buhay na maaaring dati ay ipinagbawal mo sa Kanya na pasukin. May mawawala ba sa iyo?
Gumugol ng ilang sandali upang iiyak sa Diyos ang mga dinaranas mong paghihirap ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Bawat isa sa atin ay tiyak na makakaranas ng pagdurusa sa isang punto ng ating buhay. Bilang isang tagapayo, nakita ko ang mga taong nagdurusa na nabago. Nakita ko iyong mga minsan ay iginupo ng trauma na natuto kung paano ito dalhin. Sa maikling debosyonal na ito, idinadalangin ko na matanto mo na hindi pa tapos ang iyong kwento. Maaaring nakararanas ka ng pagdurusa ngunit maaaari mong dalhin itong mabuti. Marahil ay maitatanong mo, "Anong kasunod?" sa halip na manatili sa pagtatanong ng "Bakit?". Maaari kang maging matatag.
More